^

PSN Opinyon

Bukas na ang mga pasugalan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
UMAMIN na rin sa wakas ang Manila Police District (MPD) na nagbukasan na ang pasugalan, lalo na ang mga bookies ng karera, sa kanilang hurisdiksiyon. Ayon sa kaibigan kong si Sr. Insp. Rene de Jesus, hepe ng detective beat patrol, guerilla na ang operation ng pasugalan sa Maynila nga. Hindi na importante kung anong klaseng operation ang sugal mga suki, kundi ang maliwanag ay BUKAS na sila na taliwas naman sa ipinangako ni MPD OIC Sr. Supt. Danilo Abarzosa. Nabola lang ni Abarzosa si Manila Mayor Joselito Atienza? Kasi nga mga suki, kaya ipinasara ni Abarzosa ang mga pasugalan sa pag-upo niya noong Agosto 1 ay para mapatango si Atienza na siya na nga ang nararapat sa MPD nga. Mukhang kampante na si Abarzosa na siya na nga ang bibigyan ni Atienza ng basbas bilang permanenteng MPD chief kaya’t nagbukasan na ang mga pasugalan, lalo na ang kay SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza, na naka-assign sa D4 o logistics ng MPD? He-he-he! Nahuli sa sariling bibig itong kaibigan ko na si De Jesus.

Ayon pa kay de Jesus, halos 80 katao ang naaresto nila sa kanilang intensified anti-illegal gambling drive nila. Bakit nagkaroon ng malawakang kampanya laban sa pasugalan kung sarado naman ang mga ito? Hindi sinabi ng kaibigan ko kung kailan itong anti-gambling drive nila mula noong Enero o nitong nagdaang mga araw lang. Kasi kung nitong nagdaang mga araw lang, ibig sabihin niyan matagal ng nagbukas na muli ang pasugalan sa Manila nga. Pero kung mula noong Enero naman, puwede dahil bukas na bukas talaga ang mga pasugalan noon at ng maupo lang si Abarzosa nagsara.

Sinabi pa ni de Jesus na marami sa naaresto ay dating mga tauhan ni Apeng Sy na nagsara dahil sa mataas na singil sa kanya ng lingguhang intelihensiya. Parang gustong ipalabas na ta-ga-MPD na kaya guerilla ang operation ay dahil walang intelihensiya. Hindi totoo ’yan mga suki! Kasi itong mga butas ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza ay hindi tulad ng jueteng na puwedeng guerilla ang operation.

Mananaya rin tayo sa bookies mga suki kaya’t may alam tayo diyan. Sa jueteng, ang kubrador ay puwedeng mangapitbahay para mangalap ng taya. Sa bookies ng karera, ang mga kubrador ay dapat namamalagi lang sa isang lugar kung saan doon sila pupuntahan ng mga mananaya. Kapag palipat-lipat o guerilla ang operation ng bookies ng karera, tiyak mababa ang kubransa ng mga kabo. Get n’yo Ma-yor Atienza at Col. Abarzosa Sirs? At ang alam ko, wala pang jueteng sa Manila, maliban na lang kung aamin na naman ang taga-MPD.

Ayon pa kay de Jesus, karamihan sa naaresto nilang sugarol ay taga-Tondo. Ang tanong ko sa ngayon sa kaibigan kong si de Jesus, bakit pinapahirapan pa niya ang sarili niya sa paghanap ng mga guerilla na puwesto sa Manila eh ibinulgar ko na ang mga butas ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza sa mga naka-raan kong kolum? Puntahan mo na lang ang mga binanggit kong lugar sa Sta. Ana, Pandacan, San Andres at tiyak huli mo ang mga delanterang butas ni Sacueza nga. Sa tingin ko gusto lang sumipsip nitong kaibigan ko na si de Jesus para depensahan ang amo niya na sina Abarzosa at Atienza, pero nagboomerang naman, bakit palaging nakikita sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at Pancho sa Beata Sts., Pandacan, Manila?

Abangan!

ABARZOSA

ABARZOSA SIRS

APENG SY

ATIENZA

AYON

BARTOLOME

KASI

LANG

SACUEZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with