Service with a smile!
November 4, 2006 | 12:00am
ITO ang slogan na ipinatutupad ng Civil Service Commission sa lahat ng government officials at employees sa Philippines my Philippines.
Dahil sa SERVICE ORIENTED ang taong nasa gobyerno dapat SERVICE WITH A SMILE, sila sa kanilang mga kliyente. Mahirap man o mayaman, pangit o gago este mali guwapo pala, may ngipin o wala echetera.
Naging isyu kasi ang pagkakasipa kay Ed Padlan, isang Immigration Officer dahil inuna daw nito ang isang banyaga sa pilahan matapos singitan si Luli, ang only daughter ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.
Dahil sa presidential daughter si Luli, aksyon agad ang mga sipsip sa BI kaya sibak si Padlan ngayon sa airport.
Binigyan si Padlan ng 72 hours para bigyan linaw ang nangyari sa kanila ni Luli, ang presidential daughter.
Anong parusa kaya ang ibibigay kay Padlan?
Sagot dapat reprimand lang.
Sagi nga, first offense!
Sa loob ng maraming taon si Padlan ay nasa paliparan wala itong naging record sa katiwalian.
Natsambahan lang siguro ni Ed noong Martes masyado na sigurong pagod ang pobreng alindahaw.
Maaga kasi ang duty ng ilang immigration officer sa paliparan 3:30 ng madaling-araw nandirito na sila at trabahong kabayo na ang ginagawa sa dami kasi ng mga umaalis na passengers sa departure area ng NAIA dehins natin maalis na magsungit din ang iba sa kanila dahil sa tindi ng trabaho at pagod.
Mga tao din kasi sila at hindi makina!
Totoong sangkaterbang pasahero rin ang mga nagrereklamo sa immigration pero ang mga taong kinikuwestiyon nila ng matindi ay ang mga taong may kaduda-duda ang mga documents.
Hindi lang naman sa immigration ang problema ng ilang passengers maging sa Bureau of Customs.
Ang hindi kasi mapagbigyan sa mga pasahero galit!
Lalot iyong may mga dalang taxable items.
Paano ngayon si Padlan? tanong ng kuwagong anak ng dating panggulo.
"Ang mga amo nito ang magdedesisyon ng kasasapitan ni Padlan sagot ng kuwagong butangero.
Tiyak tanggal na siya sa airport?
Hindi naman siguro wala naman siyang mabigat na kaso" anang kuwagong Kotong cop.
Eh, si Luli, ang presidential daughter ang naging problema niya? sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kamote, ikaw na ang makakasagot ng tanong mo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest