^

PSN Opinyon

‘Pula ang kulay ng palay...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
MADALAS nating mabalitaan sa telebisyon, radyo o maging sa pahayagan ang mga away ng may kaya at mahirap. Meron din naming away ng mga kilalang tao.

Subalit ang kasong tampok sa araw na ito ay tungkol sa away ng dalawang pamilya dahil lamang sa bukid. Bumaha ng dugo sa kanilang palayan kaya pula ang naging kulay ng palay.

Inilahad sa aming tanggapan ni Remelyn Lumabao ng Muñoz, Nueva Ecija ang istorya hinggil sa lupang umano’y pinagsimulan ng isang trahedya.

Sa loob ng tatlumpu’t dalawang taon nang binubuwisan ng mga Lumabao ang apat na hektaryang lupain. Sa loob ng labing-limang taon na pagbubuwis ay mapupunta na ang nasabing lupa sa mga Lumabao. Subalit ayaw daw pumayag ng mga Labagnoy na mapasakanila ang lupa kaya nagkaroon ng usapin dahil dito.

Nanalo naman ang mga Lumabao sa kasong ito ngunit hindi matanggap ng mga Labagnoy ang desisyon kaya ang nais nila ay mapunta sa kanila ang malawak na lupain.

Ika-3 ng Nobyembre 2005 bandang alas-7 ng umaga nang magtungo ang biktimang si Renato Lumabao sa kanilang bukid kasama ang mga anak na sina Ruzzel, Remilyn, Ryan pati ang mga kaibigan ng mga ito. Gagapas na ng palay ang mga Lumabao noong panahon na ‘yon. Makalipas ang isang oras ay sumunod naman si Virginia sakay ng isang tricycle na minamaneho ni Daniel Antonio.

Sinabihan ni Renato ang asawa nito na pumunta ng munisipyo upang humingi ng police assistance habang ginagapas nila ang inaning palay sa pangambang guluhin sila ng pamilya ni Candido Labagnoy at Romulo Villanueva.

Nakiusap si Virginia sa kanilang mayor, si Nestor Alvarez na tulungan sa hepe ng Muñoz City Police Station at sinabihan naman ito na dumiretso na lang sa himpilan. Nakausap naman nito si Deputy Avila at sinabing wala ang kanilang hepe.

"Sinabi daw nitong si Deputy na iilan lang sila doon at wala pang sasakyan. Hintayin na lang daw si Hepe," sabi ni Remilyn.

Bandang alas-11 ng umaga, naghahanda na ang mga Lumabao pati ang mga gumagapas para sa kanilang tanghalian. Kausap noon nina Ruzzel at Remilyn kasama ang kanilang tiyahan na si Eva Follosco si Ramon Bustos habang ang mga grupo nina Leo Labagnoy ay paparating armado ng mga baril.

Sumugod ang mga ito sa kubo kung saan naroroon ang mga anak at kasama ng biktimang si Renato. Habang papalapit ang mga ito sa kubo ay sumisigaw daw itong si Romulo at pilit na pinapalabas sa kubo ang mga Lumabao.

Nagbanta pa itong si Romulo na kapag hindi sila nagsilabasan sa kubo ay pagbababarilin niya ang mga ito. Nang makita naman ng isa pa sa mga suspek, si Leo Labagnoy si Renato ay agad naman nitong nilapitan. Itinutok ni Leo ang dalang baril sa biktima at pagkatapos ay walang sabi-sabi nitong binaril.

Kitang-kita naman ni Ryan ang pagkakabaril sa kanyang ama. Susubukan sana nitong tulungan ang ama nang bumagsak na ito sa lupa subalit mabilis ding itinutok ni Leo ang kanyang baril kay Ryan.

Samantala takot na takot ang mga taong nakapaligid sa kubo. Walang magawa kundi ang maging sunud-sunuran sa kagustuhan sa grupo ng mga suspek. Inutusan silang dumapa at kung sinuman ang tumayo ay tiyak na masasaktan.

"Noong makita ko ding binaril ang tatay ko tinanong ko sila kung bakit nila ito binaril. Sinabi ko rin na mga wala silang puso pakatapos itong si Rommel Villanueva ang sabi sa akin ay mag-ingat daw ako sa mga sinasabi ko," salaysay ni Remilyn.

Muling bumalik si Leo sa kubo ng biktima. Siniguro muna nitong patay na si Renato bago tuluyang lisanin ang lugar na pinangyarihan ng krimen. Mabilis namang tumakbo ang grupo ng mga suspek pabalik sa kubo ni Romulo at pagkatapos ay nagsitakas na ang mga ito sakay ng tatlong owner-type jeep.

Dinala naman agad sa San Jose City General Hospital si Renato subalit hindi na ito nakaabot pang buhay. Agad din namang inireport ng pamilya ni Renato ang nangyaring krimen. Nagsampa sila ng kaso laban kina Leo, Mark, Neil at Andy Floyd Labagnoy pati sina Rommel at Andy Villanueva.

Samantala kasalukuyan namanng nasa himpilan ng pulisya noon si Virginia nang mangyari ang insidente dahil sa paghihintay nito sa mga pulis na bigyan sila ng assistance habang gumagapas sila ng palay. Subalit huli na ang mga ito dahil nangyari na ang inaasahan nilang kaguluhan.

Hanggang ngayon ay wala pa rin resolution ang kasong ito na hawak ni Prosecutor Dionisio Leda Jr. ng Cabanatuan Prosecutor’s Office. Hangad nila ang hustisya para sa biktima.

Umaasa sana ang pamilya Lumabao na sa kanilang pag-ani ay kikita sila subalit bumaha ng dugo sa kanilang bukid.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
E-mail address: [email protected]

KANILANG

LEO LABAGNOY

LUMABAO

NAMAN

REMILYN

RENATO

ROMULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with