Tiyanak at multo
November 3, 2006 | 12:00am
SA palayaw pa lang, kilala na natin: Chiz, Alan Peter, Mike, Ace, Nonoy, Wimpy, JV, Toby, Art at, ang muse, si Darlene. Mga tiyanak na bukambibig ng buong bansa. Walang tatanda ng 40. Datiy paisa-isa ang lumulutang na baguhan, ngayoy bigla silang dumating na parang Tsunami. "Ang pag-asa ng bayan," narito na.
Itong dekadang nakalipas, bugbog tayo sa dami ng nakayayanig na usaping pambansa. Dalawang presidential election; dalawang presidential impeachment; EDSA II at III; Davide-JDF impeachment; Garci Scandal; sunod sunod na E.O. na illegal; Charter change. Dahil sa matinding ingay nitong pangkat bulilit, madaling napaabot ang mahalagang argumento sa bawat panig na tumulong sa paghubog ng pambansang opinyon. Kung inakalang sinseridad lang ang kanilang bentahe, nagulat tayo nang makitang nasasabayan nila ang mga batikang politiko at madalas ay nilalampaso pa.
Pawang kabutihan ang maidudulot ng kanilang maagang pagdalubhasa sa mga kumplikadong isyung ito. Sa kanilang patuloy na edukasyon nakasalalay ang edukasyon din ng sambayanan. Bawat mapulot na aral o karanasang matamo ay mahalagang sahog sa kanilang paghahanda sa mas mataas pang tungkulin bukas. Congrats na kasama kayo sa mga Senate line-up! Panahon na ng mga tiyanak naway hindi sila lamunin ng mundong kinagagalawan.
GHOST SENATOR. Disappointed si Justice Isagani Cruz kay Senador Mar Roxas. Sa kanyang column, tinawag niya itong "The absent leader" dahil hindi na ito nakita mula nang manalong No. 1. Sayang: ang gastos; ang talino; ang karanasan; ang oras. Higit sa lahat sayang ang tiwala. Meron naman daw pet project - yung kanyang murang gamot. Subalit, tulad ng sabi ni Justice Cruz, malaki ang maitutulong ni Senador Roxas sa paglutas ng ibat ibang suliranin ng bansa kung siyay makikilahok lang sana sa usapan. Hindi komo number one ay "one issue" senator lang. Sa "Palengke ng opinyon" nagkakatagpo ang lahat ng ideya at posisyon maging kapanig o katunggali.
Pangatawanan sana ang parangal na topnotcher at ang taguring "Mr. Palengke".
Senator Mar A. Roxas II Grade: Wala, Absent.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended