Sabi nga, palitan!
Ayaw kasi ni Boysie makipag-cooperate sa gusto ng mga smuggler na huwag ng bayaran ang kanilang buwis sa government regarding sa kanilang mga shipments.
Dehins din pumapayag si Boysie na i-undervalue ang shipments ng mga gago. Pinahuhuli rin ni Boysie ang mga misdeclared shipments ng sindikato.
Ilan lang ito sa dahilan kung bakit gustong ipasibak si Boysie sa Cebu Customshouse. Nasa Cebu na rin kasi ang grupo ng mga gago from Subic masyado na kasing mahigpit ang grupo ni retired General Joe Calimlim at dehins sila makalusot sa mga mata at pangamoy ni Col Jimmy Calunsag kaya lipat smuggling sila ng place.
Natigok na kasi ang watering holes ng mga sindikato sa Subic kaya sa Cebu sila magta-try out. He-he-he!
Ika nga, alaws dilihensiya sa Subic kaya sa Cebu sila?
Dapat sigurong tulungan ni DOF Secretary Gary Teves si Boysie porke under fire ito ng mga kumakalaban sa gobyerno sangkatutak ang pitsa ng mga sindikato para gamitin sa mga taong ayaw makisama sa kanila.
Ito nga si Boysie ang gusto nilang sampolan Mr. Secretary Teves, Your Honor!
Sabi nga, ang mga gago pa ang pinapaboran imbes na ang mga gumagawa ng kabutihan para sa gobyerno!
Attention Secretary Teves, Your Honor! ito ang listing ng mga tirador sa Cebu para malaman mo at aksyunan sila si Harold ang utak na bata-bata ng isang petsay. Go ang kanilang transaksyon kapalit ng malaking halaga.
Tsikot ang operasyon nila.
Si Ferdinand ang ginagamit ng mga tekamots dahil binabalutan nito ng pitsa ang mga bugok from the bureau.
Isang Jude taga-lorr, ang umaaktong broker ng mga highend cars na nagkalat ngayon diyan sa ibat ibang places sa Metro-Manila.
Sina Boyet silya at Jojo coca cola, ang mga kasamahang importers/brokers ng mga tekamots.
Isang babaerong customs officials a.k.a a maid torpe ng OCOM daw ang sinasabing nakapatong sa mga Cebu smugglers.
Nagtamasa ng pitsa si a maid kaya hanep ang mga negosyo nito ngayon at may ipinatayo pang gusali sa isang province. Esmi niya ang naka-front. Take note, Secretary Teves, Your Honor!
Balik isyu, naka-hide ang mga tsikot.
Ipa-audit mo ang mga arrival ng tsikot Mr. Secretary!
Sa North Harbor sa pier sa Manila dumarating ang mga tsikot from Cebu at kung mainit sa Matnog, Samar ito ibinababa at patatakbuhin to Metro-Manila.
Mga talon o kambal ang plaka na gamit sa mga sasakyan. Kasabwat din sa operasyon ang ilang bugok ang PNP-TMG at LTO.
Tanggap sila ng intelihensiya mula sa mga bugok sa bureau. Patiktikan ni Secretary Teves ang mga bugok sa Cebu Customshouses dahil ang lalakas nilang mag-sugal sa casino at magsabong.
Malaki ba ang sahod ng mga taga-customs? tanong ng kuwagong maglalagare.
Hindi sapat kung marami silang anak at pamilya sagot ng kuwagong magtataho.
Eh, bakit malakas silang magsugal? tanong ng kuwagong sumisipsip ng kuhol.
Malaki ang tara sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Paano ngayon si Boysie kung pasisipa ng mga sindikato sa Cebu?
Iyan kamote ang abangan natin!