Kabulukan sa mga ahensiya ng gobyerno

MATAPOS maipalabas sa nakaraang dalawang Sabado sa BITAG sa IBC 13 ang paglalantad ng ginawa ni Precy, nabuking ang mga tiwaling empleyado ng Quezon City Engineering Department at Bureau of Internal Revenue.

Nabuking din ang mga nasa Makati Engineering Department Fire Department at Bureau of Internal Revenue kung paano ang kanilang sistema ng panghihingi ng lagay.

Kuhang-kuha ng BITAG concealled camera kung gaano kakampante ang mga tiwaling empleyadong ito sa kanilang diretsahang pangongotong sa mga kukuha ng business permit.

Subalit binigyan pa ng kaunting halaga ng BITAG ang kanilang privacy kaya hindi muna namin ipinakita ang kanilang mga pagmumukha.

Ito ang masaklap na katotohanang nagaganap sa mga ahensiya ng gobyerno na kulay lang ng pera ang laban. Kaya’t kung ikaw ay isang maliit na tao at kukuha ka ng business permit siguro kulang ang limang balik para ka makakuha.

At kung walang panglagay sory ka na lang. Huwag mo na lang ituloy ang gusto mong negosyo. Ituloy mo na lang kapag may pang-under the table ka na.

Kung may pera ka kasing panglagay ilang minuto lang baka makuha mo na ang business permit na inyong kinukuha.

Dahil na rin sa ipinalabas ng BITAG na ito mukhang nabahala ang Quezon City Engineering Department na nabahiran ang kanilang tanggapan.

Kaya’t tumawag sa BITAG si Engr. Cabungcal ang Chief ng Engineering Department ng Quezon City para alamin kung sino ang mga taong ito na nasa kanyang ahensiya.

Ito lang ang masasabi ng BITAG sa lahat ng mga namumuno sa mga ahensiyang nabanggit handang makipagtulungan ang BITAG sa inyo.

Ipapakita ng BITAG sa inyo ang laman ng BITAG concealled camera kung talagang interesado kayong linisin ang inyong mga ha- nay, kayo na mismo ang magsadya sa aming tanggapan.

Show comments