^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kawawang ‘supermaids’

-
KUNG hindi pa nagkagiyera sa Lebanon hindi maiisip ng gobyerno na itaas ang kalidad ng mga Pinay domestic helpers (DHs). Naisip ng gobyerno na i-upgrade ang kaalaman ng Pinay DHs para lalong maging kapaki-pakinabang. Ang Technical Education and Skills Develeopment (TESDA) ang nangasiwa rito. Hindi lamang sa mga karaniwang gawain sinanay ng TESDA ang Pinay DHs kundi pati na rin ang may kinalaman sa culture, language at emergency management training. At dito rin napag-aralan ng gobyerno na itaas ang suweldo ng mga maid. Napag-isip ng gobyerno na panahon na para bigyan ng karampatang suweldo ang mga Pinay na katulong. At isinilang nga ang katagang "supermaids".

Ang gobyerno ang nagtakda na dapat ay $400 ang tanggapiung suweldo ng Pinay DHs. Mula sa dating $150 o $200 magiging $400 na ito sa darating na Nov. 16, 2006. Lahat ng DHs ay nararapat na $400 ang suweldo, ayon sa direktiba ni President Arro-yo sa Department of Labor at sa Philippine Over-seas Employment Administration. Hindi lamang iyan, inatasan din ng gobyerno ang POEA na huwag kaltasan ng placement fee ng mga ahensiya ang Pinay DHs. Bahagi ito ng package policy para maitaas ang antas ng DHs.

Maganda ang hinaharap ng Pinay DHs. Marami ang nag-akala na gimik lamang ng gobyerno ang "supermaids" at ang lahat ay mauuwi lamang sa ningas-kugon. Pero hindi pala. Itinaas pa ang suweldo ng DHs.

Subalit ang masaklap ay may grupong hindi naniniwala sa sinasabi ng gobyerno. Unrealistic daw ang planong pagtataas ng suweldo ng DHs sabi ng organisasyon ng mga manpower agencies. Hindi raw ang gobyerno ang magtatakda ng suweldo kundi ang mga employer at ito ay batay sa law of demand. Hindi raw dapat gobyerno ang magsasabi ng suweldo. Wala raw karapatan ang gobyerno dito. Sila raw ang naiipit sa ginawang ito ng gobyerno.

Mariing sinabi ng mga kasapi ng manpower agencies na hindi patas ang gobyerno sa ginawang pagtataas ng suweldo. Hindi rin daw nag-secure ang Pilipinas ng bilateral agreements sa mga bansang pupuntahan ng DHs. Ito raw ang dapat inuna.

Kawawang "supermaids" at mapupurnada pa yata. Linawin ng gobyerno ang tungkol dito para hindi umasa ang Pinay DHs.

vuukle comment

ANG TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELEOPMENT

DEPARTMENT OF LABOR

DHS

EMPLOYMENT ADMINISTRATION

GOBYERNO

PINAY

SUWELDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with