^

PSN Opinyon

Media huwag gipitin kundi pakinggan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SINO pa ang may lakas ng loob na magbulgar ng katiwalian sa gobyerno kung gigipitin at papatayin ang mga media practitioner.

Pasalamat at up to now, may mga kabaro akong walang takot sa pagbubulgar ng katotohanan para tawagin ang pansin ng mga bugok sa government offices. Sabi nga ni Tita Cory Aquino, noong 1986 bumalik ang demokrasya sa Pinas nang sipain ang diktador na si Ferdinand Marcos.

Maraming Pinoy ang natuwa nang maluklok sa kapangyarihan si Tita Cory. Sabi nga, bumagsak ang batas militar.

Ang gobyerno kasi ang dapat tumulong sa media practitioner sa ginagawa nilang pagbubulgar ng mga kamalian at kagaguhan ng mga bugok todits. Tamo si Joc-Joc Bolante, kung hindi tinantanan ng media ito, baka up to now andito pa rin siya sa Pinas at nagtatawa. Sabi nga, ha-ha-ha.

Ilang million of pesos ang nawala sa magsasaka? Hindi biro kung susumahin ito. Asan ngayon ang pitsa?

May nagsasabing ibinigay daw noong panahon ng koleksyon, este mali, election pala ang pitsa sa mga nakaupong bugok sa trono. Media ang dahilan kung bakit nabulgar ang kalokohan ng mga bugok na officials sa government. Tama ba, kabayan?

Ang ganti ng mga nasasaktan sa mga pagbubulgar ng media practitioner ay libel at ibaon sila sa 6 feet below the ground.

"Tama ba naman iyon?" tanong ng kuwagong sepulturero.

"Ano ang dapat gawin sa media na masyadong maingay?" tanong ulit ng kuwagong haliparot.

"Pakinggan silang mabuti," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Eh paano kung palpak ang report?"

"May karapatan ang mga tamaan na idemanda sila ng libel pero hindi ang patayin."

"Diyan kamote, naniniwala kami sa iyo."

ANO

FERDINAND MARCOS

JOC-JOC BOLANTE

MARAMING PINOY

SABI

TAMA

TITA CORY

TITA CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with