^

PSN Opinyon

Karatula: Bawal dito ang Pinoy

SAPOL - Jarius Bondoc -
NABIGLA ang Fil-Am reader nating si David Almendral. Naghahanap silang mag-asawa ng mauupahang bahay sa Alabang, at kinausap ang may-ari ng naibigang bungalow. Aba’y sinabihan ba naman sila ng may-ari na nais niya ay foreigner ang maging tenant niya.

"Sa buong buhay ko," ani David, tinuruan ako ng magulang, guro at kultura sa America na huwag mag-discriminate. Biruin mo, dito pa sa lupa kong hinirang ako makakaramdam ng ganito."

Masanay na dapat si David, na nagpasya nang tumira sa Pilipinas, sa gawi ng ilang kababayan. Meron talagang ilan sa atin na mas gusto makipag-deal sa mga dayuhan. Sa tingin nila kasi, bukod sa matatag na dollar, pound, yen o rial ang ibabayad, mas malamang hindi manuba ang expatriate. Maling pananaw ‘yon: Sa lahat ng gubat ay may ahas. May kilala akong mayamang matrona na dalawang beses nang nagpalayas ng foreign ambassadors mula sa bahay niya sa Forbes Park, Makati: ’Yung isa, hindi makabayad ng upa sa takdang araw; ’yung ikalawa, nambubugbog kasi ng katulong na Pinay.

Pero merong tumitingala sa dayuhan. May mga binata’t dalaga na nangangarap hindi lang makapag-trabaho abroad, kundi pati makapag-asawa ng magpe-petition sa kanila na mag-ibang citizenship. Dahil mas mababa ang antas ng industriya ng Pilipinas kaysa America at Europe, natural lang na sabihin nating mahusay ang gawang state-side. Pero merong mga maling nagsasabing mas mabait daw ang ibang lahi dahil wala silang kahirapan at krimen.

Sanhi ng makitid na isip ang diskriminasyon. Noong 1800s, sumikat ang teyorya ni Charles Darwin sa kalikasan. Matira ang matibay, aniya tungkol sa mga hayop, at mas matibay ang mas malaki. Mula ru’n lumitaw ang pananaw ng mga Puti na ang mga Itim, Dilaw at Kayumanggi sa mga kolonya nila ay mabababang uri ng tao. Sa Pilipinas nu’ng Panahon ng Americano, may mga restoran at nightclub kung saan bawal ang patron na Pilipino. "For expatriates only" – ika nga nu’ng landlady sa Alabang.

vuukle comment

ALABANG

AMERICANO

BIRUIN

CHARLES DARWIN

DAVID ALMENDRAL

FORBES PARK

PERO

PILIPINAS

SA PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with