^

PSN Opinyon

Bird flu

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NAGSISIMULA nang magbago ang klima. Nararamdaman na ang unti-unting paglamig. At kapag ganitong taglamig nagdadagsaan na naman sa Pilipinas ang mga tinatawag na migratory birds. At kapag napag-uusapan ang tungkol sa mga "dayong ibon", hindi maiiwasang isipin ang tungkol sa bird flu.

Bagamat ang Pilipinas ay idineklarang bird flu free, hindi rin ito ipinagwawalang-bahala ng gobyerno. Sa pagdagsa ng mga "dayong ibon" sa Pilipinas, nakaalerto ang pamahalaan sakali at may mapabalitang kaso ng bird flu. Ang bird flu ay dala ng mga "dayong ibon". Marami nang nabiktima ang bird flu sa China, Vietnam, Thailand, at Indonesia. Tanging ang Pilipinas dito sa Asia ang walang nairereport na kaso ng bird flu.

Ang mga "dayong ibon" ay karaniwang sa Candaba, Pampanga at ilang lugar sa Pangasinan naninirahan kung Nobyembre.

Ayon sa Department of Agriculture maaga ang gina-wa nilang paghahanda para maiwasan ang paglaganap ng bird flu. Ang bird flu alert ay inilunsad na sa mga barangay ng mga bayan at kanayunan lalo na ang mga pagkakakitaan ay manukan at itikan. Ayon sa DA ang programa ay sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng DILG at NGO’s. Sabi ng DA, kapag may matuklasang lugar na may bird flu virus dapat ipaalam agad sa mga municipal agricultural officers. Hangga’t maaari ay huwag munang isiwalat sa media para maiwasan ang sensational reporting na makasisira sa programa laban sa bird flu. Paalala pa ng DA, kapag may mga migratory birds huwag silang lapitan at hulihin at tiyaking hindi sila magkakaroon ng kontak sa mga katutubong ibon.

AYON

BAGAMAT

BIRD

CANDABA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FLU

HANGGA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with