Galing ng Pinoy
October 28, 2006 | 12:00am
SUMAMA ako nung Miyerkules ng gabi kay dating Congressman Harry Angping at sa kanyang maybahay na si Zenaida o Ate Naida, sa mga taga ikatlong distrito ng Manila, sa birthday party ng kilalang director ng pelikula na si Tony Bernal na ginawa sa Sta. Cruz, Manila.
Dinatnan namin na kasama sa mga bisita at nakikisaya sa piging ni Direk Tony ang multi talented at walang kupas na actor na si Eddie Garcia o Manoy sa kanyang mga tagahanga. Wala hong kayabang-yabang sa katawan si Manoy, dahilan marahil kaya patuloy ang kanyang kasikatan.
Live band ho ang tumutugtog sa naturang party na ginanap sa Honey Joy bar and restaurant na pag-aari at personal na mina-manage ng maybahay ni Direk Tony na si Joy Trino at ang mga umawit ay talagang mahuhusay bagamat wala sa kanilang mga professional singer na masasabi.
Wala rin hong daya dahil hindi ho ito karaoke kung saan alam ng kumakanta kung kailan papasok, tanging kasabay nila rito ay ang gitara at drums ng banda na kayang ilaban kahit sa ibang bansa. World class ika nga.
Pero balikan ho natin ang mga umawit kasama na ho si Direk Tony Bernal na tunay na nagpabilib sa akin at ang mga awiting kinanta bagamat luma ay walang kalausan. Masarap pakinggan at tatawagin kong tunay na music.
Si Direk Tony Bernal ay inabot naming umaawit at napakahusay niya. Ganoon din ang ibang mga kumanta pa na inabot naming na patunay sa husay at talento ng Pinoy sa larangan ng musika.
Pasensya na ho at hindi ko na nailista ang pangalan ng mga umawit na dinatnan namin pero para sa inyong lahat, saludo ho ako sa inyo.
Hinding-hindi lang ho ako kasali dahil nung huli ho akong umawit ay muntik nang maalarma ang aking mga kapitbahay at tumawag ng bombero kasama ang mga volunteer fire brigade, ambulansya at pulis. Buong akala raw nila humihingi ako ng saklolo o kayay naipit ako ng pader.
Hindi nila alam nangangarap pa rin ako na marunong akong umawit.
Anyway, alam ko naman na hindi lahat magaling ang boses pero para sa Pinoy ang walang boses ang exception. Ako ho ang isa sa exception. Sa 10 Pinoy, siyam ang marunong kumanta at magaling pa.
Iyan naman ang dahilan kaya kahit saang sulok ng mundo ay makatatagpo ng Pinoy o Pinay band na talaga namang dinarayo ng mga dayuhan.
Pinatunayan ko ito hindi lamang sa Asia kung hindi pati sa Europa, lalo na sa mga musical gaya ng Miss Saigon. Tinitingala rin tayo sa US pagdating sa talento natin sa music.
Hindi gaya ng ibang bansa kung saan may mga eskwela talaga sila for the musically gifted, dito sa atin ay talagang native talent lamang. Isipin lang ho natin kung magkakaroon kaya ng isang organisadong pagtuturo at pagdedevelop sa milyung milyong Pinoy na mang-aawit, aba baka matake over na natin ang Broadway, West End at iba pang mga lugar kung saan tinatangkilik ang galing ng musika.
Magaling ho talaga ang Pinoy pero as usual ho kulang sa support na nagiging dahilan kung bakit hindi buung-buong nadedevelop ang talento. Sayang talaga.
Binasura ng Korte Suprema ang planong pagbabago ng Constitution sa pamamagitan ng Peoples Initiative, bagamat isang boto lamang ang diperensya ng desisyon.
Binabati ko si Chief Justice Artemio Panganiban kasama ang pitong Associate Justices na sina Consuelo Ynares-Santiago, Angelina Sandoval Gutierrez, Antonio Carpio, Romeo Callejo Sr., Alicia Austria Martinez, Conchita Morales at Adolfo Azcuna ang siyang kumitil sa PI.
Mabuhay po kayong lahat.
Kay Justices Reynato Puno, Leonardo Quisumbing, Renato Corona, Dante Tinga, Cancio Garcia, Presbiterio Velasco at Minita Chico-Nazario na pumapabor sa Charter change sa pamamagitan ng PI, sana walang katotohanan ang mga negatibong balitang kumalat kung paano kayo nakumbinsing bumoto pabor dito.
Ni hindi ko minarapat na isulat ang mga detalye tungkol dito sa mga balitang ito at panalangin ko lamang ay konsensya at interpretation nyo sa batas ang TANGING dahilan ng boto nyo.
Galit ang reaksyon ng Philippine National Police sa binulgar ni Rep. Imee Marcos tungkol sa bilang ng kidnap cases sa ating bansa.
Sobra raw ang bilang na binigay ni Imee. Gen. Calderon, hindi ho figures ang pinagtatalunan, ang isyu ho rito ay nawala ang kidnapping noong panahon ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson bilang hepe ng PNP na patunay na kaya itong lipulin, bakit ho sa panahon mo, meron pa rin, gaya ng jueteng na noon mo pa pinangakong aalisin pero laganap na laganap pa rin.
Sa susunod, kesa mag-react kayo, trabaho na lang muna upang hindi maaksaya pati mga press releases ninyo at pangakong napapako lamang.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest