Ayon sa batas, may pananagutan ang munisipyo sa mga madidisgrasya ng depektibong kondisyon ng lansangan. Katungkulan nilang siguruhin na itoy maayos para sa kaligtasan ng taot sasakyan.
Noong 2004, pinaorder ni Mayor Sonny Belmonte ang pag-cover up sa lahat ng open manhole sa Quezon City. Umabot ng 2,000! QC pa lang yan. Suhestiyon: Itaas ang penalty sa pagnanakaw ng manhole cover; gawing madali para sa biktima ang pagkuha ng daños; pakilusin ang barangay sa pagbantay - at panagutin kung may madisgrasya. Karapatan nating umasa na maihahatid tayo ng pampublikong lansangan sa ating paroroonan at hindi sa kapahamakan.
Para yatang napako sa dekada 70 ang mga pampublikong ospital. Nasaan ang teknolohiya? Iilan lang ang respirator sa ICU. Di-kamay pa ang pambomba sa iba. Kung minalas ay "re-use" pa. At antibiotics? Libre dapat pero naniningil. Kadalasan pa walang stock. Kulang pa bang panustos ng RMC ang: Mahigit P165 million na budget; mahigit P60 million na special allotment at conti- nuing appropriation, at mahigit P30 Million na kinikita kada taon?
Bigyang kabuluhan ang sandaling buhay ng mga bata - 0% mortality ang i-target sa buong Pilipinas. Kayanin natin Sec. Duque. Buhay ang nakataya. Malubha na ang sakit ng inyong mga ospital. Doktor ka - gamutin ang sakit.
DOH investigating committee. Grade: INCOMPLETE.