Cover up
October 27, 2006 | 12:00am
HUMAHABA ang horror-roll ng mga nadisgrasya ng open manhole. Ngayong 2006: Si Mat Ranillo III, pilay sa Batasan Road; Reynante Martinez, patay sa Piyesta sa Quiapo; Master Edward Banaag, pumanaw sa Angono. Araw-araw may ganitong sakuna hindi lang naiuulat. Biktima ng kapalaran o ng kapabayaan?
Ayon sa batas, may pananagutan ang munisipyo sa mga madidisgrasya ng depektibong kondisyon ng lansangan. Katungkulan nilang siguruhin na itoy maayos para sa kaligtasan ng taot sasakyan.
Noong 2004, pinaorder ni Mayor Sonny Belmonte ang pag-cover up sa lahat ng open manhole sa Quezon City. Umabot ng 2,000! QC pa lang yan. Suhestiyon: Itaas ang penalty sa pagnanakaw ng manhole cover; gawing madali para sa biktima ang pagkuha ng daños; pakilusin ang barangay sa pagbantay - at panagutin kung may madisgrasya. Karapatan nating umasa na maihahatid tayo ng pampublikong lansangan sa ating paroroonan at hindi sa kapahamakan.
Imbestigasyon sa Rizal Medical Center - Walang sala ang ospital. Sa mga ina raw nakuha ang sepsis!? Cover up sigaw ng mga doctor ng HEAD (Health Alliance for Democracy). Hindi lang pala pipito ang namatay sa RMC. Mula Enero 2006 ay 127 nang sanggol ang nagkasepsis at 69 nito ang namatay. Malinaw na hindi pa tapos ang trabaho ng committee. Hindi dapat automatic death sentence ang sepsis!
Para yatang napako sa dekada 70 ang mga pampublikong ospital. Nasaan ang teknolohiya? Iilan lang ang respirator sa ICU. Di-kamay pa ang pambomba sa iba. Kung minalas ay "re-use" pa. At antibiotics? Libre dapat pero naniningil. Kadalasan pa walang stock. Kulang pa bang panustos ng RMC ang: Mahigit P165 million na budget; mahigit P60 million na special allotment at conti- nuing appropriation, at mahigit P30 Million na kinikita kada taon?
Bigyang kabuluhan ang sandaling buhay ng mga bata - 0% mortality ang i-target sa buong Pilipinas. Kayanin natin Sec. Duque. Buhay ang nakataya. Malubha na ang sakit ng inyong mga ospital. Doktor ka - gamutin ang sakit.
DOH investigating committee. Grade: INCOMPLETE.
Ayon sa batas, may pananagutan ang munisipyo sa mga madidisgrasya ng depektibong kondisyon ng lansangan. Katungkulan nilang siguruhin na itoy maayos para sa kaligtasan ng taot sasakyan.
Noong 2004, pinaorder ni Mayor Sonny Belmonte ang pag-cover up sa lahat ng open manhole sa Quezon City. Umabot ng 2,000! QC pa lang yan. Suhestiyon: Itaas ang penalty sa pagnanakaw ng manhole cover; gawing madali para sa biktima ang pagkuha ng daños; pakilusin ang barangay sa pagbantay - at panagutin kung may madisgrasya. Karapatan nating umasa na maihahatid tayo ng pampublikong lansangan sa ating paroroonan at hindi sa kapahamakan.
Para yatang napako sa dekada 70 ang mga pampublikong ospital. Nasaan ang teknolohiya? Iilan lang ang respirator sa ICU. Di-kamay pa ang pambomba sa iba. Kung minalas ay "re-use" pa. At antibiotics? Libre dapat pero naniningil. Kadalasan pa walang stock. Kulang pa bang panustos ng RMC ang: Mahigit P165 million na budget; mahigit P60 million na special allotment at conti- nuing appropriation, at mahigit P30 Million na kinikita kada taon?
Bigyang kabuluhan ang sandaling buhay ng mga bata - 0% mortality ang i-target sa buong Pilipinas. Kayanin natin Sec. Duque. Buhay ang nakataya. Malubha na ang sakit ng inyong mga ospital. Doktor ka - gamutin ang sakit.
DOH investigating committee. Grade: INCOMPLETE.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended