I think that I shall never see . . . a Tree
October 25, 2006 | 12:00am
BILLBOARDS. Status symbol at pinagkakakitaan ng artis-ta (P10 million kada kontrata), maraming napinsala nang pinabagsak ni MILENYO ang mga ito. Natrapik ka rin ba sa EDSA nung binaklas ang mga higanteng karatulang nagnakaw sa ating tanawin?
Sumabog ang timping galit ng bayan: Billboard Hell ani Sen. Miriam. At ngayoy electronic billboard ang target ni Mang Bayani. Para sa REPORT CARD ang laman ng billboard (bisyo at kalaswaan) ang dapat limitahan. Subalit ito raw ay lehitimong hanapbuhay bunga ng karapatang gamitin ng malaya ang pribadong pag-aari. At palamuti sa depressed area ng lungsod.
Sa kasong Churchill v Rafferty noong 1915, natesting na ng Mataas na Hukuman ang isang batas na nagpatanggal sa billboard na nakaharang sa tanawin (kagulat-gulat pero noon pay isyu na ang billboard). Kalayaang gamitin ang pribadong pag-aari laban sa katungkulan ng gobyernong pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ("sense of sight") ng sambayanan. Ang hatol? Mas matimbang ang karapatan ng sambayanan na lasapin ang magandang tanawin!
Sa totoo lang, ayon sa Korte, ang tunay na halaga ng billboard ay ang lapit niya sa pampublikong lansangan na makita ng mga taong dumadaan. Anong pakinabang na maitayo ito sa pribadong bakuran kung italikod naman sa kalye ang billboard? Makikitang ang regulasyon ay hindi limitasyon sa paggamit ng pribadong pag-aari. Itoy regulasyon sa paggamit ng pampublikong kalsada na isang lehitimong katungkulan ng pamahalaan.
Special Grade. Kamakailan lang ay tinanggap sa trabaho ng Ambergris Solutions call center si Mang Constante de Leon, edad 61. Si Mang Constante ay nagsikap makatapos ng kurso sa call center training sa Pamantasan ng Makati. Pinatotohanan ng Ambergris ang
(1) kahalagahan ng pagpupunyagi, at (2) patuloy na kabuluhan ng sektor ng nakatatanda sa pag-angat ng ekonomiya. Bata man o senior citizen, kung magpunyagi ay may mararatnan. Mabuhay Ambergris! Congrats kay Mang Constante De Leon!
Grade: 98
Sumabog ang timping galit ng bayan: Billboard Hell ani Sen. Miriam. At ngayoy electronic billboard ang target ni Mang Bayani. Para sa REPORT CARD ang laman ng billboard (bisyo at kalaswaan) ang dapat limitahan. Subalit ito raw ay lehitimong hanapbuhay bunga ng karapatang gamitin ng malaya ang pribadong pag-aari. At palamuti sa depressed area ng lungsod.
Sa kasong Churchill v Rafferty noong 1915, natesting na ng Mataas na Hukuman ang isang batas na nagpatanggal sa billboard na nakaharang sa tanawin (kagulat-gulat pero noon pay isyu na ang billboard). Kalayaang gamitin ang pribadong pag-aari laban sa katungkulan ng gobyernong pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ("sense of sight") ng sambayanan. Ang hatol? Mas matimbang ang karapatan ng sambayanan na lasapin ang magandang tanawin!
Sa totoo lang, ayon sa Korte, ang tunay na halaga ng billboard ay ang lapit niya sa pampublikong lansangan na makita ng mga taong dumadaan. Anong pakinabang na maitayo ito sa pribadong bakuran kung italikod naman sa kalye ang billboard? Makikitang ang regulasyon ay hindi limitasyon sa paggamit ng pribadong pag-aari. Itoy regulasyon sa paggamit ng pampublikong kalsada na isang lehitimong katungkulan ng pamahalaan.
(1) kahalagahan ng pagpupunyagi, at (2) patuloy na kabuluhan ng sektor ng nakatatanda sa pag-angat ng ekonomiya. Bata man o senior citizen, kung magpunyagi ay may mararatnan. Mabuhay Ambergris! Congrats kay Mang Constante De Leon!
Grade: 98
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am