Isa pa ring natuklasang mabuti para sa puso ay ang virgin oil na nagtataglay ng maraming anti-oxidants. Ang non-saturated acid content ng virgin oil ay mabisa sa puso sapagkat pinatataas nito ang level ng substance para ma-prevent ang tinatawag na oxidation. Mahalaga rin ito sapagkat inaalis ang bumabara sa mga daluyan ng dugo mula sa puso.
Ang green tea ay malaking tulong din sa paglinis ng blood vessels. Pinupuksa nito ang mga radicals na sanhi ng pagbabara ng ugat kaya nagkakaroon ng poor blood circulation. Ang green tea ay napatunayan din ng mga Japanese medical experts na mabisang panlaban sa stroke lalo sa mga kababaihan.