Sobrang mahal na ng gamot
October 23, 2006 | 12:00am
KARANIWANG cool si Roberto "Ka Obet" Pagdanganan. Pero pag presyo ng gamot ang paksa, nag-iinit ang dating cabinet member at governor, na ngayoy chairman ng Philippine International Trading Corp.
Isinisisi ni Ka Obet ang gusot sa umanoy cartel ng mga kompanya sa gamot. Halos 80% aniya ng manufacturing sa Pilipinas ay kontrolado ng iisang pabrika: Interphil. Ang sister company nitong Zuellig Corp. naman ang may kontrol ng 80% ng wholesaling. Ang mga giant pharmaceutical firms ng mundo ay sa Interphil-Zuellig nagpapahalo at nagpapa-promote ng pills, capsules, syrups, injections, atbp. At 70% ng retail ay kontrolado ng iisang drugstore lang din: Mercury.
Naging ugali na ng mga may-ari ng patents, ng Interphil-Zuellig, at ng Mercury na panatilihing mataas ang presyo, ani Ka Obet. Hindi na sila makababa, kumbaga sa taong sumakay sa tigre. Abay nung 2005, tumaas nang 10% ang kita ng drug firms, pero bumaba nang 5% ang dami ng gamot na binenta. Nung 2000, 30% lang ng populasyon ang may kayang bumili ng gamot, at lumala nitong 2005 nang 20% na lang ang nakakabili.
Ang masaklap pa, iling ni Ka Obet, sinisiraan ng multinational drug firms ang generic drugs. Sa mga ads, pinalalabas ng mga patent holders na kapag generic at mura ay nakamamatay at walang bisa.
Tugon ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Phils., hindi sila mga buwitre. Kaya nag-iisa raw ang Interphil sa manufacturing at Zuellig sa distribution ay matagal na itong nagpalaki ng puhunan sa mga naturang linya. Pero may tatlong kakompetensiya na lumalaki na rin daw. Ang Mercury natural daw dalhin lang ang mga brands na mabenta, at ito ang mga may mahusay na promotions. At di raw nila sinisiraan ang generics, dahil may mga kasapi silang multinationals na nagge-generics din. Ang Bureau of Food and Drugs daw ang nagbigay ng impormasyon sa mga babala ng drug firms tungkol sa mga nakamamatay at walang bisang gamot.
Sino ang paniniwalaan natin?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am