^

PSN Opinyon

Ang buwan at ikaw

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Kagabi sa aking munting durungawan
ay aking nakitang kay ganda ng buwan;
Ang mukha ng buwan nang aking pagmasdan
doon ang nakita’y ang iyong larawan!

Ang buwan at ikaw sa aki’y iisa
na tinatanaw ko sa pangungulila;
Silahis ng buwan laganap na pala
na sa aking puso’y nagdulot ng saya!

Liwanag ng buwan sa buong paligid
singganda ng mutyang laging panaginip;
Kaya nang pagmasdan ang gabing tahimik
nagising ang pusong sakmal ng pag-ibig

Nagkubli ang buwan sa likod ng ulap
kaya ang ganda mo ay naglahong ganap;
Dahil sa karimlang biglang lumaganap
ang buwan at ikaw ay hinanap-hanap!

Dahik sa pag-asang lilitaw ang buwan
ang munting bintana’y hindi ko nilisan;
Nahawi ang ulap at mulang namasdan
ang buwang maganda’t ang iyong kariktan!

Naglakbay sa langit ang buwang maganda
at ang ganda nito ay nagluningning pa;
Kung kaya sa aming maliit na dampa
ang liwanag nito’y tanglaw na kaiba!

Habang gumagabi’y pumapaitaas
kaya ang ganda mo ay lalong tumingkad
Lumalayo ito pero ang liwanag
hindi nagbabago sa buong magdamag!

Kaya ang diwa ko at saka ang puso
sa buwang maganda ay namimintuho;
Sana gabi-gabi ay huwag naglaho
ang iyong luningning na aliw ng puso!

BUWAN

DAHIK

DAHIL

HABANG

KAGABI

KAYA

LIWANAG

LUMALAYO

NAGKUBLI

NAGLAKBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with