3 bagyo ang dala ni Gen. Varilla
October 22, 2006 | 12:00am
HINAGUPIT na ng bagyong Arnold Sandoval, Noel de Castro at alyas Pancho ang Maynila at tulad ng inaasahan marami ang nasalanta. Mahigit pa sa bagyong Milenyo ang lakas ng superbagyong dala ni NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla kayat marami sa mga may illegal na negosyo sa kaharian ni Manila Mayor Joselito Atienza ang lulugu-lugo sa ngayon. Ang isa sa nahagupit ng todo ng superbagyo ni Varilla ay si Oscar Simbulan, alyas Boy Abang, na financier ng bookies ng karera sa Maynila. Aba, paano naman makakatawa sa ngayon si Boy Abang eh hindi lang doble ang hinihingi na lingguhang intelihensiya sa kanya ng bagyong sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at Pancho kundi triple pa. Kung noong nakaraang mga buwan, ang intelihensiya lang ni Boy Abang eh P25,000 weekly, ginawa itong P75,000 nina Sandoval, De Castro at Pancho. Sobra talaga ang panggigipit nina Sandoval, de Castro at Pancho na pilit inaabot ang P850,000 weekly na nai-bid nila sa NCRPO, di ba mga suki? Kaya ang tiyak niyan, sa darating na Pasko, si Varilla lang at mga bataan niya ang masaya kapag nagpatuloy ang panghaharabas ng superbagyo sa Metro Manila, di ba mga suki? Hehe-he! Maramai pa ang masasalanta ng bagyong sina Sandoval, De Castro at Pancho sa darating na mga araw.
Pero kung si Boy Abang ay malungkot, masaya naman ang isa pang financier ng bookies ng karera sa Maynila na si SPO3 Bartolome Tom Sacueza. Kasi nga, ang umaabot na 300 butas na iniwan ni Apeng Sy sa pag-abroad niya ay napunta kay SPO3 Sacueza anang mga pulis sa MPD na aking nakausap. Mukhang mahina ang dating ng bagyong Sandoval, De Castro at Pancho kay SPO3 Sacueza kayat nakatayo pa siya.
Karamihan sa mga puwesto ni SPO3 Sacueza ay matatagpuan sa mga sakop ng Station 6, Station 10 at Station 5, anang taga-MPD. Kung hindi takot si SPO3 Sacueza kina Sandoval, De Castro at Pancho, aba lalong hindi siya matitinag nina Atienza at Sr. Supt. Danilo Abarzosa, ang OIC ng MPD, di ba mga suki? May padrino kayang malakas si Sacueza kina Varilla, Atienza at Abarzosa? O malakas lang siyang mag-abot ng lingguhang intelihensiya? He-he-he! Ibubulgar ko ang mga puwesto ni SPO3 Sacueza sa buong Maynila sa darating na mga araw.
Matatandaan na ipinasara ni Abarzosa ang mga pasugalan sa Maynila nang iupo siyang OIC ng MPD noong nakaraang Agosto. Pero mukhang papogi lang ang aksiyon niya. Ayon sa mga kausap ko sa MPD, dalawang linggo ng bukas ang mga pasugalan sa Maynila at siyempre, tumatamasa na ng grasya sina Abarzosa at Atienza, di ba mga suki? Ang usapan pala, ay ang mga tagong butas o puwesto lang muna ang bubuksan para hindi mapahiya si Atienza. Di ba, kaya nagsara itong si Apeng Sy dahil matigas ang ulo niya at mga delanterang butas ang unang binuksan niya? Kung naipasara ni Atienza si Apeng Sy ay bakit hindi niya maikumpas ang kamay na bakal niya laban kay SPO3 Bartolo-me Sacueza? Kasi nga, marami sa binuksang butas ni Sacueza ay delantera.
Kaya siguro nagbukas ang mga pasugalan sa Maynila dahil permanente na si Abarzosa sa MPD nga. Subalit OIC pa rin siya ay may pagkataon na sesemplang pa siya, di ba mga suki? Pakitang-tao lang pala ang pagsara ng pasugalan sa Maynila.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest