Ayon sa Korte Suprema sa kasong Lastimosa v Vasquez (243 SCRA 497), kapag lahat ng hinihinging dokumento at sagot mula sa mga nasasangkot sa kaso ay naisumite na sa kinauukulan, ay saka pa lang puwedeng ipataw ang suspensyon.
Si Binay ay humingi ng tinatawag na "bill of particulars" para siyay makasagot dahil walang detalye ang reklamo "Ghost employees" pero hindi pinangalanan. Para itong kaso ng pagpatay pero wala namang bangkay. Imbes na ibigay ang hinihinging detalye o "particulars", agad siyang sinuspinde ni Exec. Sec. Ermita, "by authority of the President". Basis: Ang hindi raw pagsagot agad ay "waiver" o pagsuko ng karapatan niya.
Sa kasong Joson v Torres (290 SCRA 279), naghintay ng 10 buwan ang DILG bago ituring na "waiver" ang hindi pagsagot ni Gov. Joson. Kay Binay, talagang short cut! Ilang linggo pa lang, sibak na at walang pagkakataong sagutin ang bintang. At hindi ito pang-aapi? Pro-adminis- tration mayors naman daw suspendido rin. Pero sila, taon muna bago suspensiyon, hindi BINAY-pass ang proseso.
Sulat ni Chief Justice Davide sa kasong Salalima v Guingona (257 SCRA 55), kailangan ang "good faith" sa pagpatupad sa mga suspensiyon dahil ang pinag-uusapan dito ay hindi ordinaryong opisyal kundi mga kinatawan na halal ng taumbayan. Hindi dapat mabalewala ang mahalagang pasya ng tao sa kapritso o paboritismo ng awtoridad.
Kasinghalaga ng "kagustuhan ng nakararami" sa demokrasya ang pagtanggol sa karapatan ng maliit nang hindi sila abusuhin at idaan sa laki o lakas ng puwersa ng maka-administrasyon. Pagbalewala sa demokrasya ang pagmamaniobra ng proseso ng pagdidisiplina sa mga halal na opisyal na hindi tuta ng gobyerno.
Executive Secretary Eduardo Ermita. Grade: 65