Usap-usapan kung bakit kailangang magbitiw kaagad si Susan samantalang wala namang kasong inihahain sa kanya. Wala naman siyang dapat ikahiya na para magbitiw.
Isa na naman itong halimbawa sa pagkakaiba ng mga public servants sa US at sa Pilipinas. Dito, huling-huli nang winawalanghiya nang harap-harapan, itinatanggi pang siya ang nagkasala. Huling-huli nang nagnanakaw, tumatanggi pa.
Balita rin sa US ang pag-amin ng isa pang Fil-American woman na umamin na dinaya niya ang US government ng $33.8 million. Maliban sa dapat niyang ibalik sa gobyerno ng US ang halagang ito, makukulong pa rin siya ng 59 years. Ang nasasakdal ay si Lourdes "Lulu" Perez, dating resident ng Glendale, California at may-ari ng dalawang malalaking health centers. Umamin siya sa five counts of health care fraud at three counts of signing false tax returns.
Dito sa Pilipinas, ordinaryo na lamang ang mga ganitong kaso na mga nandadaya sa buwis. Marami ang corrupt. Pero wala sa kanilang nahihiya at lalong hindi nagreresign. Pansariling interes ang kanilang inaatupag kaysa ikabubuti ng bansa.