^

PSN Opinyon

Malaki ang pagkakaiba ng corrupt sa US kaysa RP

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
USAP-USAPAN ngayon ng Pinoys sa US ang tungkol sa pagbibitiw ni Susan Bonzon Ralston, ang pinakamataas na opisyal na Pilipino-American sa White House. Ito ay makaraang lumabas ang congressional report na contact si Susan ng maimpluwensiyal na lobbyist sa Washington Capitol na si Jack Abramoff. Si Abramoff ang nagrekomenda kay Susan bilang executive assistant ni Karl Rove, Si Karl ay kanang kamay ni President Bush.

Usap-usapan kung bakit kailangang magbitiw kaagad si Susan samantalang wala namang kasong inihahain sa kanya. Wala naman siyang dapat ikahiya na para magbitiw.

Isa na naman itong halimbawa sa pagkakaiba ng mga public servants sa US at sa Pilipinas. Dito, huling-huli nang winawalanghiya nang harap-harapan, itinatanggi pang siya ang nagkasala. Huling-huli nang nagnanakaw, tumatanggi pa.

Balita rin sa US ang pag-amin ng isa pang Fil-American woman na umamin na dinaya niya ang US government ng $33.8 million. Maliban sa dapat niyang ibalik sa gobyerno ng US ang halagang ito, makukulong pa rin siya ng 59 years. Ang nasasakdal ay si Lourdes "Lulu" Perez, dating resident ng Glendale, California at may-ari ng dalawang malalaking health centers. Umamin siya sa five counts of health care fraud at three counts of signing false tax returns.

Dito sa Pilipinas, ordinaryo na lamang ang mga ganitong kaso na mga nandadaya sa buwis. Marami ang corrupt. Pero wala sa kanilang nahihiya at lalong hindi nagreresign. Pansariling interes ang kanilang inaatupag kaysa ikabubuti ng bansa.

DITO

JACK ABRAMOFF

KARL ROVE

PILIPINAS

PRESIDENT BUSH

SI ABRAMOFF

SI KARL

SUSAN BONZON RALSTON

WASHINGTON CAPITOL

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with