^

PSN Opinyon

‘Mabilis na pagkilos ng hustisya…’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISA NA NAMANG KASO ang maipagmamalaki namin na nabigyan ng agarang aksyon dahil sa tulong ng programang HUSTISYA PARA SA LAHAT at ng CALVENTO FILES. Sa halip na tumagal ng buwan o taon ang kaso ay mabilis na lumabas ang resolution. Ito ay dahil may sapat na dahilan (MERITORIOUS). Lumabas ang resolution sa loob lamang ng halos dalawang linggo.

Nailathala ko sa aking column dito sa CALVENTO FILES at naisahimpapawid na rin namin sa aming programa sa radyo HUSTISYA PARA SA LAHAT ang kasong inilapit sa amin ni Myrna Acena ng Napindan, Taguig.

Nais ng pamilya na mapabilis ang paglabas ng resolution dahil sa nangangamba ang mga ito sa maaaring gawin sa kanila ng mga suspek na sina Rolando Ibañez, Robert Ibañez at Rommel Ibañez — responsable sa pagkakapaslang sa biktimang si Victorino Acena Jr.

Nag-ugat ang kaguluhang ito dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Jessie Noel, kapatid ng biktima at ni Robert dahil parehas ang babaeng kanilang gusto, si Jessica subalit mas pinili nito si Jessie Noel na mas kilala sa tawag na Jayson.

Ika-10 ng Mayo 2006 bandang alas-6 ng gabi sa Pinamana St., Brgy. Napindan, Taguig City
nang utusan ni Myrna ang kanyang anak na si Jayson na bumili sa tindahan at nakasakay ito sa kanyang bisikleta. Nagkataon namang may inuman sa bahay ng mga Ibañez noong araw na iyon. Bigla na lamang tinadyakan at sinuntok si Jayson ng isa sa mga suspek, si Robert habang nakasakay ito sa kanyang bisikleta at siya ay nabuwal. Hindi na lamang ito gumanti upang hindi na lumala ang gulo.

Akala daw nitong suspek na masama ang tingin ni Jayson sa kanila. Samantala isang kapitbahay naman ang nagpunta sa bahay ng mga Acena at ipinaalam ang nangyaring panununtok ni Robert kay Jayson na agad namang pinuntahan ni Myrna kasama ang anak nitong si Victorino Jr.

Nalaman naman ito ni Myrna ay agad niyang kinausap si Robert at ang ama nitong si Rolando. Pinagsalitaan ni Myrna ang mga suspek na bakit nito sinaktan ang kanyang anak at ano naman ang naging kasalanan nito sa kanila. Hindi na nagsalita pa ang mga suspek tungkol sa nangyaring pambubugbog kay Jessie. Bigla na lamang daw itong naghamon ng away, sabi ni Myrna. Palusob namang nilapitan ni Rolando ang biktimang si Victorino nang makita ni Myrna na may binubunot ito ay agad nitong pinuntahan ang kanyang anak.

Samantala pinalo din ng tubo sa ulo ni Robert si Victorino. Lumabas din ang iba pang anak ni Rolando na armado ng isang bolo at sinaksak sa mukha si Victorino, ayon kay Myrna. Sinubukan din nitong awatin ang pananaksak sa kanyang anak subalit maging siya nasaksak din ni Rolando sa bandang tiyan nito. Napigil lamang ang kaguluhan ng umawat ang ilang residente at mga kamag-anak ng biktima.

Matapos ang ginawang krimen ay mabilis namang tumakas ang mga suspek sa lugar na pinangyarihan dala ang patalim at ibang pang ginamit ng mga ito.

Dahil sa kaguluhang ito, ayon sa mag-asawang Victorino Sr. at Myrna ay hindi sila tinitigilan ng pamilya ng mga akusado. Madalas daw silang guluhin nito at pagbantaan. Sa gabi daw sila ginugulo ng mga ito at maging ang kamag-anak nilang si Noli ay pinasok din ang bahay at pinagbantaan.

Nakipag-ugnayan ang aming tanggapan kay Prosecutor Magno delos Santos na siyang humawak ng kasong ito. Sinabi nitong nagawa na niya ang resolution at for approval na raw ito ni Senior State Prosecutor Archimedes Manabat, OIC sa Taguig Prosecutor’s Office. Makalipas ang ilang linggo ay lumabas na ang resolution at pumabor naman ito sa pamilya Acena. Nagpapasalamat at natutuwa ng labis ang pamilya ng biktima dahil hangad nila ang hustisya para kay Victorino Jr.

Para naman sa mga taong nawawalan ng pag-asa, naiinip na sa tagal at inaamag na ang kanilang kaso subukan ninyong ilapit sa amin at baka sakaling kami ay makatulong sa inyo. Ibalik natin ang papuri sa Panginoon.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
E-mail address: [email protected]

ACENA

ANAK

JAYSON

JESSIE NOEL

MYRNA

VICTORINO

VICTORINO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with