^

PSN Opinyon

Niños inocentes

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
BILANG botante at nagbabayad ng buwis, karapatan nating magmasid at magbantay kung ang kapangyarihang pinahiram natin sa gobyerno ay nagagamit nang wasto. Ang bawat isyu ay pagsubok at ang tugon nila rito ay dapat bigyan ng kaukulang marka. Ito ang kanilang REPORT CARD.
* * *
"Ang kabataan ay pag-asa ng bayan". Wari’y niyurakan ng Rizal Medical Center ang puntod ni Doktor Rizal nang pinabayaang mamatay ang pitong walang laban at walang malay na sanggol. Cause of death: Neonatal sepsis. Translation: Maruming ospital.

Tinuturing na napakahalagang katungkulan ng gobyerno ang serbisyong pangkalusugan. Makikita ito sa laki ng budget ng Department of Health (DOH). Isa sa 11 ospital nito ang Rizal Medical Center (RMC) na nakatatanggap ng mahigit P200,000,000 kada taon.

Makikita sa "Mission/Vision Statement" ng ospital ang adhikaing maghatid ng de kalidad na serbisyo. Hindi ito nangyari. Ang delivery room, naging "death chamber". Ano pang pag-asa ang natitira sa tao kung ang ospital na dapat magbigay buhay ang siya pang babawi ng buhay ng ating mga anak?

Bumuo si DOH Sec. Francisco Duque ng investigating committee. Seryoso ka ba Mr. Secretary? Ang unang ginawa ni Hospital Chief Winston Go ay ang ipa-‘‘decontaminate" ang delivery room. Paano makapag-iimbestiga kung wala nang ebidensiya? At maaring sa labas daw nakuha o sa mga ina nanggaling ang impeksyon? Insulto. Sa ipinanganak na 28 na sanggol, 12 ang nagka-sepsis at 7 rito ang namatay. 42% mortality. Ipilit ba talagang minalas lang ang mga bata?

Ang ganitong trahedya ay hindi kailanman maaring maulit. Hindi ito aksidente. Umaasa ang REPORT CARD na magiging mahigpit ang gagawing pagsusuri kahit limang araw lamang ang taning. At sana’y ipatupad agad ang mga regulasyon sa pag-"disinfect" at pag-"sterilize" ng kuwarto at kagamitan sa lahat ng ospital ng DOH.

Mailayo lang kahit isang sanggol sa disgrasya ay nabigyan na natin ng kabuluhan ang sandaling buhay ng pitong munting martir. RIZAL MEDICAL CENTER GRADE: Negative 99.
* * *
Si Atty. Ernest Maceda ay dating vice mayor at konsehal ng Maynila. Siya ngayon ay professor sa DLSU-FEU Law at Managing Partner ng Maceda & Maceda Law Offices. Ipaalam ang inyong opinyon sa e-mail: [email protected]o mag-text sa 09156465238.

vuukle comment

CENTER

DEPARTMENT OF HEALTH

DOKTOR RIZAL

ERNEST MACEDA

FRANCISCO DUQUE

HOSPITAL CHIEF WINSTON GO

MACEDA LAW OFFICES

MAKIKITA

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with