Nagpapatuloy na trahedya ng Cherry Hills
October 17, 2006 | 12:00am
Narito ang liham ng isang reader:
Dearest Doktora Loi,
Ako po ay avid reader ng inyong kolum na Doktora Ng Masa. Sumulat po ako para humingi ng tulong na magkaroon ng trabaho ganoon din ang aking anak.
Ako si Shirley Santos, taga-Piddig, Ilocos Norte. Naging biktima po kami ng Cherry Hills Tragedy noong taong 1999 na noon ay si Mahal na Pangulong Erap ang Presidente.
Naubos po ang aming ari-arian at higit sa lahat ay nawalan po kami ng bahay. Nangupahan po kami sa loob na limang taon. Subalit dahil nga po sa kahirapan ng aming buhay kami po ay nagbalik sa naturang lugar na may nakaambang panganib dahil maaaring maulit ang pag-guho ng lugar. Di na po kasi namin kayang mangupahan.
Doktora, sana po ay matulungan ninyo kaming makapasok sa trabaho. May dalawa pa po kaming anak na pinag-aaral at walang trabaho ang aking asawa.
Kalakip po rito ang aming resume para sa inyong ready reference.
Maraming salamat at ako ay lubos na umaasa.
SHIRLEY G. SANTOS
Blk. 12 Lot 3 Daffoldi st
Cherry Hills Subd. Antipolo City
Dear Shirley,
Binigyan ko na ng instruction ang aking mga staff upang pag-aralan kung paano ka matutulungan sa iyong problema. Pakihintay na lamang na makontak ka nila.
Maraming salamat.
Sa mahal na readers, lumalabas po ang aking column tuwing Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.
Dearest Doktora Loi,
Ako po ay avid reader ng inyong kolum na Doktora Ng Masa. Sumulat po ako para humingi ng tulong na magkaroon ng trabaho ganoon din ang aking anak.
Ako si Shirley Santos, taga-Piddig, Ilocos Norte. Naging biktima po kami ng Cherry Hills Tragedy noong taong 1999 na noon ay si Mahal na Pangulong Erap ang Presidente.
Naubos po ang aming ari-arian at higit sa lahat ay nawalan po kami ng bahay. Nangupahan po kami sa loob na limang taon. Subalit dahil nga po sa kahirapan ng aming buhay kami po ay nagbalik sa naturang lugar na may nakaambang panganib dahil maaaring maulit ang pag-guho ng lugar. Di na po kasi namin kayang mangupahan.
Doktora, sana po ay matulungan ninyo kaming makapasok sa trabaho. May dalawa pa po kaming anak na pinag-aaral at walang trabaho ang aking asawa.
Kalakip po rito ang aming resume para sa inyong ready reference.
Maraming salamat at ako ay lubos na umaasa.
SHIRLEY G. SANTOS
Blk. 12 Lot 3 Daffoldi st
Cherry Hills Subd. Antipolo City
Dear Shirley,
Binigyan ko na ng instruction ang aking mga staff upang pag-aralan kung paano ka matutulungan sa iyong problema. Pakihintay na lamang na makontak ka nila.
Maraming salamat.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest