^

PSN Opinyon

EDITORIAL — Baklasin ang billboards sa madaling araw

-
SALAMAT sa bangis ni Milenyo noong Sept. 28, 2006. Kung hindi naging mabangis si Milenyo hindi malalaman ng pamahalaan na mapanganib ang mga higanteng billboards na nasa tuktok ng building at nasa tabi ng highway. Winasak ni Milenyo ang mga billboards at naging daan para may isang taxi driver na mamatay. Bukod sa namatay, maraming sasakyan ang nabagsakan at nasira. Nagdulot din ng pagkawala ng kuryente ang mga nagbagsakang billboards sapagkat nadamay ang mga poste ng Meralco. Pati mga telephone at cable wires ay nabagsakan din ng billboards. May mga punongkahoy din na binagsakan.

Ilang araw makaraang manalasa si Milenyo ay naging isyu na ang tungkol sa mga billboards partikular ang nasa kahabaan ng EDSA. Maraming bumagsak na billboards sa EDSA na naging dahilan para magkaroon ng trapik. Bago pa ang pananalasa ni Milenyo, maraming beses nang may bumagsak na billboards sa EDSA at may muntik-muntikanan nang mabagsakang motorista. Hindi pinansin ang pag-angal ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando. Si Fernando ay tutol sa paglalagay ng billboards sa gilid ng highway. Nang minsang baklasin ng MMDA ang mga billboards sa tabi ng MRT, hinuli pa sila ng mga pulis. Bawal daw iyon. Natigil ang pagbabaklas sa giant billboards.

Hanggang sa manalasa si Milenyo at naging malaking isyu ang giant billboards. Umeksena na si President Arroyo at pinagigiba ang mga billboard. Talima agad ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at sinimulan nang wasakin ang mga billboards. Inuna ang mga billboard sa EDSA.

Pero wala sa sistema ang ginagawang pagwa-sak sa mga billboard. Kahit na anong oras na maisipan ng DPWH ay ginagawa nila ang pagbabaklas. At ang mas matindi, ay natitiyempo sa oras na nagkukumahog ang mga motorista at mga empleado sa pagpasok sa kanilang trabaho. Saan naman nakakita na isasagawa ang pagbaklas ng umaga at minsa’y sa hapon na uwian naman. Pawang rush hours nila itinataon ang pagbaklas! At ang matindi, wala silang ingat sa pagbaklas na hindi iniintindi kung may mabagsakan sa ibaba.

Okey ang ginagawang pagbaklas ng DPWH pero itama sana sa oras. Bakit hindi gawin ang pagbaklas kung madaling araw na walang mapipinsala?

BAKIT

BAWAL

BAYANI FERNANDO

BILLBOARDS

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MILENYO

PRESIDENT ARROYO

SI FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with