Pagkasugapa sa alak
October 15, 2006 | 12:00am
NATANGGAP ko ang sulat ni Alex A. ng Canlubang, Laguna at ang kanyang tanong: "Lasenggo po ang aking ama. Natatakot ako na baka mamana ko ang kanyang bisyo. Totoo po bang namamana ang pagiging lasenggo?"
Batay sa mga pag-aaral at pagsasaliksik, ang pagkasugapa sa alak ay namamana. Batay din sa pag-aaral, lima sa bawat 100 grabeng manginginom nagiging alcoholics. Bagamat ang ibang manginginom ay nakokontrol ang kanilang pagkahumaling sa alak, ang alcoholics ay wala nang kontrol sa kanyang sarili. Iinom siya nang iinom ng alak. Mayroon siyang tinatawag na addictive illness. Grabe na ang pagkasugapa niya.
Ganoon pa man, kahit na magkaiba ang grabeng manginginom at alcoholics, pareho lamang ang dadanasin nilang sakit sa katawan dahil sa walang puknat na pag-inom ng alak. Apektado ang kanilang utak ng sobrang pag-inom. Nababawasan ng sobrang pag-inom ang sensitivity ng kanilang utak. Nagiging mahina o mapurol. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakasisira sa personalidad. Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung palainom siya ng alak. Marami rin sa mga palainom o sa mga alcoholics, ang kulang sa nutrition ang katawan. Karamihan sa kanila ay malnourished.
Nawawala ang vitamin B12 at thiamine at iba pang micronutrients dahil sa pag-inom ng sobrang alak. Nagkukulang sa thiamine ang katawan at ang resulta ay ang mahinang memorya.
Ang sobrang pag-abuso sa alcohol ang nagiging dahilan para lumaki ang atay at maging fatty. Ito rin ang dahilan ng pagkakaroon ng cirrhosis. Ang cirrhosis ang nagiging cancer sa atay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended