EDITORYAL - Nursing review centers ang ugat ng dayaan
October 15, 2006 | 12:00am
MALINAW na ang pinag-ugatan ng kontrober- siya sa 2006 nursing board licensure examination. Walang iba kundi ang ilang nursing review centers. Sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) 17 officials ng review centers ang kasangkot sa pagli-leak ng questions sa nursing exam noong June 2006. Ang kontrobersiya ang nagdulot sa nursing profession sa bansa para masadlak sa kumunoy ng kahihiyan.
Ngayon ay tila mga kabuteng nagsulputan ang mga review centers sa bansa at tila hindi na ito nabibigyang pansin ng pamahalaan. Kahit na sino na lang yata ay maaaring mag-operate ng review centers. At sa totoo lang, sa dami ng mga review centers hindi na malaman kung sila nga ba nakapagbibigay ng kaalaman sa kanilang reviewee para makapasa o ang hangad ay ang perang ibabayad ng reviewee.
Maraming nursing graduates na sa paghahangad makapasa sa board exam ay nag-eenroll sa review center. Mahalaga sa kanila ang makapagreview para makasigurong pumasa. At sa dami nga ng mga nag-graduate sa nursing taun-taon at magre-review, hindi na kataka-taka kung magsulputan ang mga nursing review center. Hindi lamang sa Metro Manila naglitawan ang mga review center kundi pati na rin sa probinsiya. Ang pagiging in-demand ng nurses sa ibang bansa ang dahilan kaya maraming nagnunursing. Pati ang mga doktor ay kumukuha na rin ng nursing para makapag-abroad.
Sa paglitawan nang maraming review centers, lumitaw din ang malaking problema ang pagli-leak ng questions. At ang matindi sangkot ang may-ari ng review center. Bukod diyan, ilan sa may-ari ay miyembro ng Nursing Board Examination.
Ayon sa NBI sinampahan na nila ng kaso ang 17 executives ng ibat ibang review centers. Sinabi ng NBI ay maaari raw na matagal nang nangyayari ang leakage sa test questions.
Nakagigimbal kung totoo ang sinabi ng NBI. Kung ganyan ang nangyayari, hindi pala garantiya na mahusay ang isang nurse kapag nakapasa sa board. Maaaring nakapasa siya dahil nai-leak na ng review center na pinagrebyuhan ang mga tanong.
Sa aming palagay, hindi pa rito matatapos ang kontrobersiya. Maaaring may sumunod pa. Imonitor ng pamahalaan ang mga review center at mag-imbestiga pa. Nagpapahinga lamang ang mga mandaraya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest