^

PSN Opinyon

Sari-saring isyu

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
IBA’T IBANG isyu ang tinext at eni-mail sa akin nitong nakaraang ilang araw pero ikukuwento ko muna sa inyo na ang mga bataan ni Madam Senyora Donya Gloria ay tinatablan pala. Kahit sa paraang pakantyaw ay nasasaktan.

Mukhang nagiging balat sibuyas ang ilan sa kanila at hindi pa pala kinakalyo, gawa siguro ng paggamit ng fertilizer ni dating Agriculture undersecretary Jocjoc Bolante o di kaya’y mga experts ni Presidential Phone Pal former Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano.

Ngitngit sila nitong mga nakaraang mga araw at kahit yung payo ko kay North Korean head Kim Jong-Il at dating Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra ay minamasama nila.

Mahirap talaga ang mga masyadong yumayaman, lalo na yung mga kumakain ng libre lagi at hindi pinagpapawisan ang kinikita nawawalan ng sense of humor. Para ho sa inyo na binobomba ako ng text at e-mail dahil sa galit, konting ingat ho at ang mga symptoms nang malalang sakit ay yung nawawalan ng sense of humor o madaling mapikon.

Problema pa ninyo, wala hong lunas o gamot diyan sa sakit na yan. Pagdurusahan ho ninyo ng husto yan at nahahawa pa ng sakit na yan ang inyong mga pamilya at mga susunod pang henerasyon.

Isa lang ho ang nabalitaan kong lunas diyan, isuka n’yo lahat ng ninakaw ninyo at pagsisihan ang inyong mga kasalanan pero kailangang gawin n’yo na yan bago mahuli ang lahat dahil mabilis kumalat at lumala ang sakit na ‘yan.

Cause nga pala ng sakit na yan ay galit sa sambayanan. Sinusumpa na ho kayo at pati ang pamilya n’yo. Paalala ko nga ho pala, hindi n’yo madadala sa hukay ang kayamanan n’yo maliban sa personal kayong susunduin ni Taning. You need not worry nga pala, full escort kayo ng mga demonyo na ngayon pa lang umaaligid na sa inyo.

Follow up sa pay okay Kim Jong Il, may nag-text sa akin na maganda ang suggestion. Bakit daw hindi natin payagang gamitin ang isang islang walang silbi rito sa atin upang gawing nuclear test site. Tiyakin lang daw natin na puno ito ng mga buwaya, hindi ho mga crocodile o alligator, kung hindi mga magnanakaw sa gobyerno at mga kriminal lalo na mga drug lord, smuggling lord at gambling lord.

Magandang suggestion at puwede rin nating tanggapin ang mga corrupt na opisyal mula sa ibang bansa at patirahin nang libre sa naturang isla lalo na itong mga World Bank representative na akala natin mga doctor dahil pati bidding ng text book ginagamot.

Sa mga taga MMDA naman, ano naman itong bagong pakulo n’yo na aalisin ang mga waiting shed. In the first place, kayo ang naglagay niyang mga yan o ’di kaya’y mga kasamahan n’yo sa gobyerno so bakit ninyo aalisin. Of course kung ang dahilan ninyo ay papalitan nu’ng mga kulay pink na pinagawang special ni Bayani Fernando maiintindihan ko dahil kikita uli ang kanyang kompanya.

Sa susunod, aminin n’yo na lang at hindi kung anu-ano pa ang katwiran na binibigay n’yo. Baka ho sa dami ng katuwiran at pa-ek-ek na ginagawa ninyo at ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria ay maging bilog na ang sambayanang Pilipino. Masyado n’yo naman kaming binibilog.

Mga pedestrian naman na mahilig makipagpatintero sa mga sasakyan hindi lang sa EDSA, Commonwealth at iba pang major roads, gamitin n’yo na lang ang mga overpass, footbridges at mga pedestrian crossing kahit malayo ito.

Exercise ho sa ating lahat ang paglalakad bukod sa makatitiyak na makauuwi ng matiwasay. Huwag na ho tayong pasaway at tandaan ho ninyo, kahit ho mamatay ay magastos dahil may komisyon ang mga pulis ni Gen. Oscar Calderon sa mga punerarya.

Tumataas ho ang bilang ng krimen sa Metro Manila pero kung tatanungin ang mga opisyal ng PNP ay sasabihin nilang kulang kasi sila sa tauhan. Paanong hindi kukulangin e maraming escorts at bodyguards ng mga honorable officials ng kasalukuyang administrasyon.

Kung bumiyahe pa ang mga ito ay parang kanila ang kalye at kung gumamit ng wangwang at manaboy ng ibang motorista ay hari talaga. Sana lang hindi dumating ang panahong makahanap kayo ng katapat na papatulan kayo.

Masama raw maghangad ng masama sa kapwa kaya hindi ko na iisipin na sana bumangga kayo sa poste o ’di kaya’y bagsakan kayo ng live wire upang makuryente kayong lahat na nakasakay sa loob. Itatanong ko na lang kung buhay pa ba kayo o masakit ba o wasak ba ang sasakyan ninyo o nailibing na ba kayo?

Yun namang mga nagtetext sa akin na nagsasabing sana lahat ng mga sundalo natin gaya ng mga sundalo ng Thailand, medyo malabo yata ang mga pangarap ninyo dahil sabi nga sa text na kumalat, ang mga heneral ng Thailand ay may ba___g, samantalang ang mga heneral natin ay may bayad. Obvious naman hindi ba.

Hindi pa pala nareresolba ang problema sa AFP Medical Center na mas kilala bilang V. Luna. Kinasuhan ang isang opisyal nila sa provost marshall pero ang nag-imbestiga ay kapatid so ano ang aasahan natin. WALA! Bokya!!!

Kung magwawala ang mga sundalo kakasuhan naman ng rebelyon o coup d’etat, saan pupunta ang mga idealistic soldiers natin?

Yung iba pang mga reklamo at sumbong sa pamamagitan ng text at e-mail, pasensya na po, kulang na po ako sa espasyo. Pipilitin kong pagbigyan sa mga susunod na column.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o mag text sa 09272654341.

BAYANI FERNANDO

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO

KAYO

KUNG

LANG

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NINYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with