At para sa mga barangay officials sa kanilang lugar sa Laguna pati na sa lokal na istasyon ng pulis, halos ay linggu-linggo na nilang "bisita" si Arlene sa kanilang istasyon. Ang dahilan: Regular siyang binubugbog at pinagmamalupitan ng kanyang asawa. Pati kanyang mga anak ay nakararanas din ng kalupitan.
Ayon na rin kay Arlene, sa mahigit 12 taon nilang pagsasama ay hindi na niya mabilang ang pagmamalupit ng asawa. Natigil lang ang lahat at nabago ang takbo ng kanilang buhay kamakailan.
Ang dahilan? Hinuli at ikinulong ng mga awtoridad si Ramon dahil sa paglabag sa RA 9262 o ang "Violence Against Women and Childrens Act" isa sa mga prin-sipal na batas na aking inakda at naisabatas noong 2004.
Matapos makaranas makulong, nangakong magbabagumbuhay na si Ramon at hindi na uulitin ang ginagawang pang-aabuso sa asawa at mga anak. Ayon pa rin kay Arlene, sa ngayon nga ay hindi na siya nakararanas ng pagmamalupit kay Ramonkahit ang banta pa lang ng pananakit o paggamit ng masasakit na salita ay may katapat ng kaparusahan sa ilalim ng bataskung kaya tahimik at masaya na ngayon ang kanilang buhay pamilya.
Bagaman wala pang datos kung gaano naging epektibo ang naturang batas sa pagkontrol ng domestic violence, ibinabatay ko po ang bisa nito sa napakaraming pasasalamat na aking natatanggap hindi lang mula sa mga biktima ng domestic violence bagkus, kahit na sa hanay ng mga pulis at barangay officials na direktang may mandate sa ilalim ng batas para sa epektibong pagpatupad nito.
Kaya nga ang aking panawagan sa ating mga kababaihan at sa ating mga local officials: Kung mayroon kayong panahon, basahin po ninyo at unawaing mabuti ang naturang batas dahil hindi lang ang mga biktima bagkus ang buong komunidad ang makikinabang kapag tahimik at matatag ang bawat pamilya.