Scammers sakit ng ulo ng PAGCOR
October 14, 2006 | 12:00am
NAKAUSAP ko kamakailan ang vice president for corporate communications ng PAGCOR na si Dodie King sa salu-salo ng Samahang Plaridel sa Club Intramuros. Naidaing niya ang ilang dumagsa sa PAGCOR at nagki-claim ng kanilang milyong pisong premyo sa "Premyo sa Resibo" promo na itinataguyod ng korporasyon ka-sama ang Bureau of Internal Revenue gayung hindi naman sila nagwagi. Biktima sila ng mga scammers. Iti-text o tatawagan at sasabihing panalo sila at mag- aalok na tutulong sa mabilis na pagkubra ng panalo kapalit ng halaga.
Kamakailan ay nag-warning na si PAGCOR Chair Efraim Genuino laban sa ganitong panloloko. Payo ni Dodie, huwag agad-agad maniniwala kung may magsasabi sa sino man na panalo sila. Berepikahin muna sa PAGCOR imbes na maglagay kanino mang "pilato" na magsasabing tutulong sa kanila. Maraming manggagantso sa lipunan. Sinasamantala ang pangarap na maging milyonaryo ng ating mga kababayan.
Maganda ang programa. Hinihikayat ang taumbayan na kunin ang resibo ng mga kalakal na binibili upang makaseguro ang gobyerno na ang mga nagtitinda ay nagbabayad ng buwis. Pero nasisira ang konsepto dahil sa ilang tusong manloloko.
Ang latest true winner" ng isang milyong piso noong Agosto ay isang dating government worker na itinago lamang sa pangalang Yolly. Hindi siya biktima ng mga manloloko kundi benepisyaryo ng programa. Kabuuang 180 entries daw ang ipinadala niya at hindi umaasang mananalo. Pero ganyan talaga ang suwerte. Biruin mong sa milyun-milyong nag-text ng numero ng kanilang resibo siya pa ng mahigit isang daan lang ang tinext ang mananalo?
Tandaan, kung may tatawag o magti-text sa inyo na kayoy winner, magberepika muna sa PAGCOR. Huwag makikipag-date sa caller o texter at baka kayo mabudul-budol. Sa hirap ng buhay ngayon, masyadong tumatalino ang mga scammers at nakakagawa ng mga creative ways to fool the people.
Email me at [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest