^

PSN Opinyon

Resulta ng mga inilapit na problema

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
PANSAMANTALANG bibigyang-daan ko muna ang resulta ng mga ilang reklamo na inilapit sa akin ng ilang readers:

Kay Engr. Wilfredo C. Leoncio, chapter president ng Philippine Society of Mechanical Engineers na nakabase sa Saudi Arabia, kasalukuyan pong nakikipag-coordinate na sa Pag-IBIG ang aking mga staff upang linawin kung ano ang pinakamainam na mga hakbang para sa agarang solusyon ng iyong problema sa bahay sa General Santos City.

Ugaliin mo lang sanang magbasa ng aking kolum upang malaman agad kung ano ang naging resulta ng pakikipag-usap ng aking tanggapan sa Pag-IBIG. Maraming salamat.

Sa katunayan po, patuloy na iniipon ng aking opisina, sa pamamagitan ng aking kolum, ang mga samu’t saring problema ng ating mga kababayan sa kanilang mga housing loan. Binabalak ko kasi na isa sa mga araw na ito ay makipag-usap kay Vice President at Housing Sec. Noli de Castro, upang makahanap nang mabilis at praktikal na solusyon sa mga natatanggap nating problema.

Kay G. Rufino Comia, patuloy pong nakatutok sa inyong problema sa right of way ang aking mga staff. Umasa po kayo na hindi ko ito lulubayan hangga’t walang malinaw na solusyon. Salamat po.

At para naman sa reklamo laban sa umano’y mga tiwaling empleyado ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa Clark International Airport na "nangongotong" sa ating mga kababayan na papuntang abroad, partikular na sa Macau, sinabi ni BI executive director, Atty. Roy Almoro, na isang imbestigasyon na ang isinasagawa ng kanilang tanggapan at ng Aviation Security Group upang beripikahin ang inilabas kong impormasyon. Nangako rin si Atty. Almoro na papatawan ng kaukulang parusa ang mga nasasangkot.

Salamat Atty. Almoro at umaasa naman ako na hindi mauuwi sa palabas lamang at pangako ang mga binitiwan mong salita.
* * *
Sa mahal na readers, lumalabas po ang aking column tuwing Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

vuukle comment

AKING

ALMORO

AVIATION SECURITY GROUP

BUREAU OF IMMIGRATION

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

DOKTORA NG MASA

GENERAL SANTOS CITY

HOUSING SEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with