^

PSN Opinyon

Panagutin ang tunay na ‘dorobo’ sa PHILCOMSAT issue

- Al G. Pedroche -
SINIYASAT na ng Senado ang isyu sa nalulustay na pondo ng Philippine Overseas Telecommunications Corporation (POTC), isang sequestered firm kasama ang mga sangay nitong Philippine Communications Satellite Corp. (PHILCOMSAT) at PHILCOMAT Holdings Corp. (PHC). Bago pa man ang Senate probe, madalas nating talakayin ito. Public interest ang nakataya rito komo may malaking puhunan ang gobyerno.

Tanong ng barbero kong si Mang Gustin, bakit nakisawsaw sa siyasat si Sen. Enrile na may stake sa kompanya na nakapangalan sa kanyang anak na si Katrina at sa Jaka Group? Bukod diyan, nasa korte na ang usapin tungkol sa pagmamay-ari ng kompanya pero itinuloy pa rin ang siyasat. Lalu aniyang lumalabo ang isyu.

Sa pag-upo ni President Cory nung 1986, ang kompanya ay sinikwester dahil identified kay Marcos. Kuwarenta porsyento ng POTC at mga kaalyadong kompanya nito ang kontrolado ng gobyerno through Presidential Commission on Good Governments (PCGG). Pero naging gatasan ito ng kung sinu-sinong nakasuwerte ng posisyon sa kompanya. Nalagay tuloy sa kahihiyan at eskandalo ang mga opisyal ng PCGG sa pangunguna ni Chairman Camilo Sabio.

Sinasabing "ilegal" ang pag-takeover ng minority group ni Victor Africa at Erlinda Ilusorio-Bildner sa kompanya anim na taon na ang nakararaan. Si Sen. Ernile umano ay kasama sa grupo. Sapilitan umanong inagaw ng grupo ang kontrol at pangangasiwa sa POTC at Philcomsat sa mga halal na opisyal nito. Umaksyon na ang korte hinggil dito pero hindi raw mabaklas-baklas ang grupo. Pati ang PCGG na may kontrol sa kompanya at ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na nag-atas na paupuin ang mga nominado ng pamahalaan ay walang nagawa. Maraming legal moves ang ginawa.

Habang may labanang legal, mabilis namang nauubos ang pera at ari-arian ng kompanya at ito’y hindi maipaliwanag. Pinagpapaliwanag ng PCGG ang grupo ni Africa sa hindi awtorisadong pagbebenta ng mga ari-arian ng kompanya tulad ng $1.3 milyong eroplano, P17 milyong helicopter, condominum units at ibang investments sa mga malalaking negosyo na pawang pag-aari ng Philcomsat. Pero hangga ngayon, hindi maapuhap kung nasaan ang perang pinagbentahan. Huwag sanang panlamigan ang imbestigasyon sa kaso para managot ang dapat managot.

Email me at [email protected]

CHAIRMAN CAMILO SABIO

ERLINDA ILUSORIO-BILDNER

GOOD GOVERNMENTS

HOLDINGS CORP

JAKA GROUP

KOMPANYA

MANG GUSTIN

PERO

PHILCOMSAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with