^

PSN Opinyon

Opisyal ng unyon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NOONG 1986, ang mga guro at empleyado ng Catholic School (CCS) ay nag-organisa ng isang unyon (CCSEU) kung saan napagtibay ng mga ito ang isang Collective Bargaining Agreement (CBA). Ayon sa Section 2 ng Article 10 ng CBA, "ang isang empleyado ay maaring maretiro sa CCS kung ito ay mag-aaplay o batay sa desisyon ng Director ng CCS sa dahilang ang empleyado ay umabot na sa ika-60 taong gulang o kaya ay may 20 taon na ang serbisyo sa CCS kung saan walang patid ang huling tatlong taon nito.

Samantala. mula nang mahirang ang bagong School Director ng CCS noong April 1987 hindi na naging aktibo ang unyon. Subalit noong September 1993, nahalal ang grupo ng agresibo, militante at indipendyenteng mga opisyal ng unyon, kaiba sa dating tahimik na mga opisyal. Dalawa sa mga ito sina Rosa bilang presidente at si Pacita bilang bise-presidente ang naging sentro ng kontrobersya sa pagitan ng unyon at ng CCS. Isang buwan matapos silang mahalal ay pinag-retiro na sila ng CCS sa dahilang umabot na ang kanilang serbisyo ng 20 taon, kahit na wala pa sila sa retiradong edad na 60.

Ang aksyong ito ng CCS ay nagdulot ng pagwe- welga ng mga miyembro ng unyon at piket sa pasukan ng CCS. Ayon sa unyon, ang desisyon ng CCS na iretiro sina Rosa at Pacita ay maituturing na unfair labor practice dahil isa itong pagkukunwari upang buwagin ang kanilang unyon. Tama ba ang unyon?

MALI
. Ayon sa Article 287 ng Labor Code, maaaring maretiro ang isang empleyado kapag umabot na ito sa retiradong edad batay sa nakasaad sa CBA o sa anumang kontrata ng empleyo. Sa kasong ito, nabanggit sa CBA ng CCS at ng CCSEU na maaaring iretiro ng CCS ang empleyado nito kapag umabot na ang serbisyo nito sa 20 taon o kaya ay umabot na sa edad na 60. Malinaw na pinapayagan ng CBA ang naging hakbang ng CCS kina Rosa at Pacita. Sa katunayan, ang pagtanggap ng unyon sa CBA ay isang pagkilala sa ipinag-uutos nito at sa pagsunod sa kanilang limitasyon pabor sa CCS.

Ang paggamit ng CCS ng opsyon na iretiro sina Rosa at Pa- cita ay walang bahid ng kahinaan dahil ang 20 taong serbisyo ay higit pa sa huwarang haba ng serbisyo na maibibigay ng isang empleyado sa kanyang amo. Bukod dito, hindi maaaring ipagbawal sa CCS ang paggamit sa karapatang ibini-gay ng CBA rito na iretiro sina Rosa at Pacita, anuman ang naging ugnayan nila sa gawain ng unyon.

Kaya, ang naisagawang welga at piket ng unyon ay ilegal (Cainta Catholic School, et.al. vs. Cainta Catholic School Employees Union G.R. 151021, May 4, 2006).

AYON

CAINTA CATHOLIC SCHOOL

CAINTA CATHOLIC SCHOOL EMPLOYEES UNION G

CATHOLIC SCHOOL

CBA

CCS

COLLECTIVE BARGAINING AGREEMENT

ISANG

PACITA

UNYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with