Reklamo laban sa Immigration officers
October 7, 2006 | 12:00am
ISANG mambabasa na nakabase sa Macau ang lumiham upang ireklamo ang umanoy pang-aabusong ginagawa ng mga Bureau of Immigration officers na nakatalaga sa Clark International Airport.
Ayon sa letter-sender, hinihingan umano ng pera ng mga nakatalagang tauhan ng BI ang ating mga kababayan na papuntang Macau lalo pa kung walang maipakitang "supporting letter," na sa aking pagkaalam ay magpapatunay na mayroon talaga silang pupuntahan sa Macau at hindi magtatrabaho nang ilegal doon.
May naririnig na rin akong mga "kuwento" hinggil sa mga ganitong mga pang-aabuso ng mga empleyado ng BI at mariin ko itong kinokondena. At sana sa pamamagitan ng aking kolum ay masilip at matugunan ni BI commissioner Alipio Fernandez ang bagay na ito. Alam kong hindi siya papayag na sirain ng ilang tiwaling empleyado ng kanyang ahensiya ang kanyang magandang reputasyon bilang public servant.
Para naman po sa mga readers, hindi na rin naman kasi lingid sa kaalaman ng karamihan na masyado nang inaabuso ng mga kababayan natin ang tourist visa papuntang Macau na ginagawang paraan para makarating doon at makapagtrabaho.
Sa madaling salita, kaya nabibigyan ng oportunidad o natutukso na gumawa ng katiwalian ang mga empleyado ng BI ay dahil ilegal din naman ang pamamaraan ng ating mga kababayan sa pagpunta sa Macau
Ang aking suhestiyon, bakit hindi na lamang daanin sa legal na proseso ang pagpunta sa Macau kung nais talaga nilang magtrabaho roon? Puwede naman sumangguni sa POEA upang alamin kung aling mga placement agencies ang may lisensiya at job order para mag-recruit ng mga empleyado papuntang Macau.
Sa paningin ko, hindi "pagtitipid" ang kaisipang "bahala na" at "sapalaran" na pinaiiral ng ating mga kababayan sa kanilang paghahangad na makapagtrabaho sa abroad dahil sa totoo lang, inilalagay nila sa peligro ang kanilang buhay.
Dapat isipin na sakaling magkaroon ng aberya at trahedya, hindi agad sila matutulungan ng gobyerno (at kahit ng aking opisina) dahil lumalabas na mga "undocumented alien" sila na hindi sakop ng anumang tratado at kasunduan hinggil sa kanilang pagtatrabaho at pananatili saan mang lugar sa labas ng bansa.
Sa mahal na readers, lumalabas po ang aking column ng Martes at Sabado at gaya ng dati, ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-email sa: [email protected] o magpadala ng liham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building , Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City .
Ayon sa letter-sender, hinihingan umano ng pera ng mga nakatalagang tauhan ng BI ang ating mga kababayan na papuntang Macau lalo pa kung walang maipakitang "supporting letter," na sa aking pagkaalam ay magpapatunay na mayroon talaga silang pupuntahan sa Macau at hindi magtatrabaho nang ilegal doon.
May naririnig na rin akong mga "kuwento" hinggil sa mga ganitong mga pang-aabuso ng mga empleyado ng BI at mariin ko itong kinokondena. At sana sa pamamagitan ng aking kolum ay masilip at matugunan ni BI commissioner Alipio Fernandez ang bagay na ito. Alam kong hindi siya papayag na sirain ng ilang tiwaling empleyado ng kanyang ahensiya ang kanyang magandang reputasyon bilang public servant.
Para naman po sa mga readers, hindi na rin naman kasi lingid sa kaalaman ng karamihan na masyado nang inaabuso ng mga kababayan natin ang tourist visa papuntang Macau na ginagawang paraan para makarating doon at makapagtrabaho.
Sa madaling salita, kaya nabibigyan ng oportunidad o natutukso na gumawa ng katiwalian ang mga empleyado ng BI ay dahil ilegal din naman ang pamamaraan ng ating mga kababayan sa pagpunta sa Macau
Ang aking suhestiyon, bakit hindi na lamang daanin sa legal na proseso ang pagpunta sa Macau kung nais talaga nilang magtrabaho roon? Puwede naman sumangguni sa POEA upang alamin kung aling mga placement agencies ang may lisensiya at job order para mag-recruit ng mga empleyado papuntang Macau.
Sa paningin ko, hindi "pagtitipid" ang kaisipang "bahala na" at "sapalaran" na pinaiiral ng ating mga kababayan sa kanilang paghahangad na makapagtrabaho sa abroad dahil sa totoo lang, inilalagay nila sa peligro ang kanilang buhay.
Dapat isipin na sakaling magkaroon ng aberya at trahedya, hindi agad sila matutulungan ng gobyerno (at kahit ng aking opisina) dahil lumalabas na mga "undocumented alien" sila na hindi sakop ng anumang tratado at kasunduan hinggil sa kanilang pagtatrabaho at pananatili saan mang lugar sa labas ng bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended