Erap pumalag sa freeze order
October 5, 2006 | 12:00am
NUNG isang araw, may eksklusibong balita ang Palace reporter nating si Lilia Tolentino tungkol sa pagkairita diumano ni dating Presidente Estrada sa ideyang ipitin ang kanyang bank account para huwag daw magamit ang pera sa mga tangkang gibain ang administrasyong Arroyo. Ang nagkuwento mismo ay si Presidential Chief of Staff Mike Defensor.
Si Defensor ang napagdiskitahan ni Erap. Alam nyo namang dating magkaalyado sila nung araw hanggang magbago ang hihip ng hangin nang maluklok bilang Pangulo si Gloria Arroyo at mapatalsik sa puwesto si Estrada. Kahit nananalasa ang bagyong Milenyo nung isang linggo, dinalaw ni Defensor si Estrada sa kinapipiitan ng huli sa Tanay, Rizal.
Why do you talk about freezing may account eh wala na akong account," ang tahasang sinabi ni Es- trada kay Defensor. May katuwirang magalit si Estrada gayundin ang kanyang mga kaanak sa panukalang ito. Mantakin mong binubulok na nga sa house arrest ang padre de pamilya ay iipitin pa ang kanilang kabuhayan? Pero masaklap isipin na iyay isang realidad sa politika na sanay mabago na.
Sa pagkukuwento mismo ni Defensor sa ating Malacañang reporter, inamin ng una na sinita siya ng dating Pangulo sa planong ipitin ang account niya.
May sapat na dahilan tayo para maniwala na sa tinagal-tagal sa detention ni Estrada, gaano man karami ang pera niya ay malamang hindi na sapat ngayon para tustusan ang isang kudeta para patalsikin si Mrs. Arroyo.
Mahirap din naman ang kalagayan ng dating Pangulo. Kung hindi lang political in nature ang kasong kinakaharap niya, naniniwala akong matagal na siyang absuwelto. Pero ang mga kalaban niya sa politika ang namamayani ngayon kaya hanggat ganyan ang sitwasyon, magtiis na lang siya sa bilangguan. Mahirap talagang pasukin ang politika porke hindi mo matantiya ang panganib na naghihintay sa iyo.
Sana, sana lang, makamit na si Estrada ang hustisya. Hangga ngayoy wala pang linaw ang kasong plunder o pandarambong na isinampa laban sa kanya.
Hindi ba may kasabihang justice delayed is justice denied?
Email me at [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am