Ano naman ang Tempora Mandicular Joint Disorder (TMJD). Ito ay sakit na kung saan hindi maigalaw ang panga. Sa sobrang sakit ay hindi makakakain ang pasyente.
Kagaya ng sakit na naranasan ni Alex Tecson na ginamot ni Dr. Noel Velasco, isang TMJD specialist. Matagal na panahon ding nagtiis si Alex at nalimas ang kanyang kabuhayan sa pagpapagamot sa ibat ibang doctor at maging sa mga albularyo. Sobrang sakit ang nararamdaman niya, hindi niya maikilos ang panga, hindi siya makakain, mahirap magsalita at mahanginan lang ang mukha ay namimilipit siya sa sakit.
Matiyaga siyang ginamot ni Dr. Velasco. Nilagyan siya ng splint para maiwasan ang paglagatok at pagbabanggaan ng panga at matapos ma-X-ray ay inalign ang panga bago kabitan ng pustiso. Hindi nagtagal sumailalim siya sa implant ng ngipin. Sa nasabing proseso na isinagawa ni Dr. Velasco ay nawala ang pananakit ng mukha, leeg, batok, likod at ulo ni Alex.
Ngayon ay maayos na siyang nakapagsasalita, maganang kumain at nakangingiti na. Kung kayoy may TMJD tawagan si Dr. Noel Velasco sa 913-4947 at 0917-8542274.