^

PSN Opinyon

Ingatan ang panga

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANO ang tinatawag na tempora mandicular joint (TMJ). Ito ay bahagi ng mukha na nasa pagitan ng temporal bone at mandible na nasa ibabang bahagi ng panga. Delikadong bahagi ito kaya dapat ingatan.

Ano naman ang Tempora Mandicular Joint Disorder (TMJD). Ito ay sakit na kung saan hindi maigalaw ang panga. Sa sobrang sakit ay hindi makakakain ang pasyente.

Kagaya ng sakit na naranasan ni Alex Tecson na ginamot ni Dr. Noel Velasco, isang TMJD specialist. Matagal na panahon ding nagtiis si Alex at nalimas ang kanyang kabuhayan sa pagpapagamot sa iba’t ibang doctor at maging sa mga albularyo. Sobrang sakit ang nararamdaman niya, hindi niya maikilos ang panga, hindi siya makakain, mahirap magsalita at mahanginan lang ang mukha ay namimilipit siya sa sakit.

Matiyaga siyang ginamot ni Dr. Velasco. Nilagyan siya ng splint para maiwasan ang paglagatok at pagbabanggaan ng panga at matapos ma-X-ray ay inalign ang panga bago kabitan ng pustiso. Hindi nagtagal sumailalim siya sa implant ng ngipin. Sa nasabing proseso na isinagawa ni Dr. Velasco ay nawala ang pananakit ng mukha, leeg, batok, likod at ulo ni Alex.

Ngayon ay maayos na siyang nakapagsasalita, maganang kumain at nakangingiti na. Kung kayo’y may TMJD tawagan si Dr. Noel Velasco sa 913-4947 at 0917-8542274.

vuukle comment

ALEX

ALEX TECSON

ANO

DELIKADONG

DR. NOEL VELASCO

DR. VELASCO

KAGAYA

MATAGAL

TEMPORA MANDICULAR JOINT DISORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with