Malaswang palabas ng Palawan Cable
October 2, 2006 | 12:00am
Na-ispatan ng BITAG ang isang cable company sa isang probinsya na lantaran ang pagpapalabas ng malaswang programa.
Habang nagbabakasyon ang aming grupo sa isang hotel sa Palawan, tumambad sa amin ang malaswang palabas na ito sa cable at sa oras pa ng umaga.
Nakakapagtakang ipinalalabas ito kasabay ng mga cartoon program sa umaga.
Aksidente sa BITAG ang madiskubre na walang nag-re-regulate ng mga cable companies na ipinalalabas sa probinsiya tulad ng sa Palawan.
Sa pag-iimbestiga ng BITAG, ang CATV cable ang siyang humahawak sa mga palabas ng Palawan.
Balewala ito sa kanila kung maipalabas ang mga panooring ito na sadyang malaswa at napapanood pa sa oras ng umaga.
Sa nasabing palabas walang pakundangan nakikita ang kababuyan pagdating sa sex and violence.
Nakakapagtakang nakalusot sa mga mata ng Movie Television Review and Classification Board o MTRCB at ng National Telecommunication Commission ang mga ganitong uri ng palabas.
Wala bang tumitingin sa mga ganitong klaseng programa, lalo na kung sa mga probinsya o di naman kaya mga sandamukal na bulag ang ating tagapagpatupad?
Malaking katanungan para sa BITAG ang mga ganitong kapabayaan. Sino ba ang dapat sisihin.
Alam ng BITAG na hindi madali ang mamonitor ang mga napapalabas sa telebisyon lalo ito ay saklaw ng mga cable companies.
Nagsisilbi itong outlet ng mga mapagsamantala at sadyang ginagawa ang kanilang katarantaduhan at kababuyan.
Magsilbi sana itong babala sa mga cable companies na patuloy sa pagpapalabas ng mga malalaswang palabas. Inihahanda namin kayo sa mas malaking giyera, dahil hindi titigil ang BITAG tuldukan ang inyong kapabayaan. Sa susunod, sisiguraduhin namin matutuldukan ang inyong pagbubulag-bulagan. Hindi dito natatapos ang BITAG. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended