At ang siste, dahil hindi nagkasundo sa presyo, binitiwan ni Apeng Sy ang kanyang mga hawak na butas at lumipad sa US para lang maiwasan ang ganid sa pera ng opisyal ng MPD. Alam kaya ito ni MPD OIC Sr. Supt. Danilo Abarsoza? He-he-he! Dapat paimbestigahan ni Manila Mayor Joselito Atienza ang P2 milyon demand na ito kay Apeng Sy at baka pati siya madamay pa sa isyu.
Talagang ininda ni Apeng Sy itong pananakot sa kanya ng MPD opisyal dahil inatake siya sa puso. Dati na kasing naoperahan sa puso si Apeng Sy kayat maaring maaga siyang bumigay at magdesisyon na magpahinga muna sa US. Sa totoo lang mga suki, noong kasagsagan nga ng operations ng NBi sa mga bookies nitong nakaraang mga buwan eh hindi nagsara si Apeng Sy. Katunayan, nitong bandang huli ay wala na akong narinig na binubuliglig siya ng NBI o kung ano pa mang unit ng PNP natin. Ika nga mga suki, tahimik na ang tabakuhan.
Pero nang maging OIC si Abarsoza, naging masalimuot na naman ang buhay hindi lang ni Apeng Sy kundi maging ang iba pang financiers ng bookies ng karera at iba pang klaseng sugal sa Maynila. Nag-utos kasi si Abarsoza na isara ang lahat ng pasugalan sa sakop ng MPD sa pangambang baka masalisihan siya o maging biktima ng three-strike policy ng PNP. Kahit ipinasara ni Abarsoza ang mga pasugalan, siyempre may mga nag-operate ng gerilya at doon kumi-kita ng konti ang mga kolektor ng MPD. Siyempre, kasama sa nag-gerilya si Apeng Sy bunga na rin sa pangungulit ng mga tauhan niya, anang mga kausap ko. Kaya lang, hindi akalain ni Apeng Sy na dito sa gerilya operation, magiging magulo ang buhay niya.
Nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Apeng Sy nang bigla siyang isabong ng isang tabloid kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Nasilip ito ng isang opisyal ng MPD at ginawang isyu para kumalap ng P2 milyon pondo. Hindi na siguro natiis ng mga matataas na opisyales ng MPD na walang laman ang kanilang mga bulsa kayat si Apeng Sy ang napag-interesan nila, anang kausap kong mga pulis. Ang siste, dahil hindi kaya ni Apeng Sy ang hini-hingi na lagay, minabuti na niyang magsara. Subalit muk-hang dinibdib ni Apeng Sy ang sitwasyon da-hil inatake siya sa puso.
Sa paglisan ni Apeng Sy ang parang nanalo sa lotto ay si Simbulan o si Boy Abang. Ang mga butas pala ni Apeng Sy ay sinalo lahat ni Boy Abang na ang front sa ngayon ay ang isang alyas Lorna. Baka lasapin rin ni Boy Abang ang nangyari kay Apeng Sy? Abangan!