na iniidolo naming mga seniors;
Di siya mayabang at tapat maglingkod
siya ay mabait saka maka-Diyos!
Sa Senate session hall siya ay aktibo
sa mga debatey lumalahok ito;
Sa mga usapin at pambansang isyu
ang kanyang opinion litaw na totoo!
Seniors Citizens Act ay kanyang inakda
upang matulungan ang mga matanda;
Kaya siya ngayoy kilala ng bansa
na tanging senador nagmahal sa dukha!
Diskwento sa sine at sa transportasyon
pagbili ng gamot at hospitalization;
At sa mga bayay may OSCA na ngayon
na ayon sa batas ay handang tumulong!
Sa buong historya ng ating Kongreso
mabunying senador tanging nagpauso
Ng tamang tangkilik sa matandang tao
kaya ngayon siya ay mahal ng mundo!
Ang pangalan nyay Edgardo Angara
kung siyay magdamit magarang-magara;
Sa Barong Tagalog at Amerikana
malayot malapit ay tipong artista!
Senador na itoy simpleng simpleng tao
kaya sa ambisyon ay hindi magarbo;
Posibleng hintay nya ay magandang tyempo
upang kung pwede na ay maging Pangulo!
Sa kanyang tanggapan nang kamiy magsadya
ni hindi sininot kung saan nagmula;
Kanyang pagsalubong sadyang pambihira
at sa kanyang harap kamiy pinanumpa!
Kaming mga seniors sa ming pamayanan
saludung-saludo sa iyo kabayan;
Kaya kung magawi sa mahal kong bayan
kami ay dalawin kahit minsan lamang!