^

PSN Opinyon

‘Hoodlum-in-robes’ sa halls of justice

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
KAY dating President Joseph Estrada ko unang narinig ang salitang "hoodlums-in-robes". Tinutukoy ni Erap dito ay ang ilan sa mga miyembro ng judiciary. Nakatago sa loob ng suot na robe ang pagiging corrupt at iba pang masasamang gawain. Isa sa masamang gawain na ginagawa ng ilang miyembro ng judiciary kasabwat ang iba pang tao sa departamento ang pag-aagaw ng lupa (landgrabbing).

Isang kaibigan ang lumapit sa akin at ikinuwento ang isang judge na nakadestino sa Tagaytay-Cavite area, na nag-isyu ng kuwestiyunableng desisyon para makapag-isyu ng ownership sa isang lupang kumpleto at mayroon nang titulo at saka ipinagkaloob sa ibang tao. Ipinagkaloob ng judge ang pagmamay-ari sa lupa sa mga taong ang pinanghahawakan lamang ay nag-iisang affidavit.

Ang aking kaibigan ang registered owner ng lupa sa Tagaytay City. Ang titulo ng lupa ay inisyu sa kanya ng Registry of Deeds base sa desisyon ng dating judge sa branch din naman kung saan ang "hoodlum-in-robe" ay naka-preside. Isang grupo ng mga tao (isa rito ay kaapelyido pa ng judge na "hoodlum") ang nag-file ng kaso — Quieting of Title ito ay para ma-nullify ang titulo ng aking kaibigan at para sila ang madeklarang tunay na may-ari ng lupa. Agad na nag-isyu ang "hoodlum-in-robe" na judge ng summary judgement at dineklarang null and void ang registration na inisyu ng dating judge noon. Inorder ng "hoodlum-in-robe" na judge ang cancellation ng title ng aking kaibigan at ipinangalan sa grupong umaangkin ang pagmamay-ari sa lupa.

Ayon sa mapagkakatiwalaang sources, nagawa ng "hoodlum-in-robe" judge ang desisyon dahil sa impluwensiya ng isang mataas na Mahistrado. Ang Mahis- trado na ito ang "utak" ng landgrabbing. Fortunately, administrative cases were filed one after the other against this "hoodlum-in-robe" which deferred his retirement and receipt of retirement benefits while the said influential Magistrates, would you believe, had just been promote to a more juicy position.

Umapela ang aking kaibigan sa Court of Appeals subalit ang questioned decicion ng "hoodlum-in-robe" ay na-sustained.

Ako man ay umaapela sa Mataas na Korte na huwag hayaan ang judiciary na magamit sa masamang gawain kagaya ng landgrabbing. Kung hahayaan ang ganitong gawain hindi matatapos ang paggala ng mga "hoodum-in-robes" sa halls of justice.

ANG MAHIS

COURT OF APPEALS

HOODLUM

ISANG

JUDGE

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

QUIETING OF TITLE

REGISTRY OF DEEDS

ROBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with