Ayon kay Dr. Concordia M. Pascual, kilalang Ob-Gyne, maagang reglahin ang mga kabataang babae ngayon dahil masigla ang kanilang estrogen. Ang pagiging masigla ng estrogen ay dahil sa pagkain ng masustansyang pagkain. Makukuha ang estrogen sa karne at itlog ng manok. Sinabi pa ni Dr. Pascual na ang mga kabataang babae na hindi napasuso ng kanilang ina (na-breast fed) at formula milk ang dinede ay karaniwang maagang datnan ng regla.
Ang payo ng mga eksperto sa mga kalalakihan, umiwas sa heat exposure para makabuo nang malusog na anak. Ayon pa sa report bukod sa napipinsala ang semilya, malaki rin daw ang pagkakataon ng magkaroon ng brain cancer ang magiging anak.