^

PSN Opinyon

Ang maagang pagreregla at labis na pagsa-sauna

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MAAGANG reglahin ang mga kabataang babae ngayon. Maraming magulang ang nagugulat na ang kanilang anak na siyam o 10 taong gulang ay nireregla na. At nakakalma lamang ang mga magulang kapag nalaman nilang maging ang anak na babae ng kanilang kaibigan ay nireregla na rin. Talagang maaagang reglahin ang mga babae ngayon.

Ayon kay Dr. Concordia M. Pascual, kilalang Ob-Gyne, maagang reglahin ang mga kabataang babae ngayon dahil masigla ang kanilang estrogen. Ang pagiging masigla ng estrogen ay dahil sa pagkain ng masustansyang pagkain. Makukuha ang estrogen sa karne at itlog ng manok. Sinabi pa ni Dr. Pascual na ang mga kabataang babae na hindi napasuso ng kanilang ina (na-breast fed) at formula milk ang dinede ay karaniwang maagang datnan ng regla.
* * *
Para sa mga kalalakihan, alam n’yo ba na ang sobrang pagsa-sauna ay nakasisira sa sperm cell. Ayon sa ulat ng American Journal of Epidemiologists, dahil sa sobrang init sa pagsa-sauna ay humihina ang sperm count. Dahilan din daw ng sobrang init buhat sa sauna, kaya nagkakaroon ng anak na masakitin.

Ang payo ng mga eksperto sa mga kalalakihan, umiwas sa heat exposure para makabuo nang malusog na anak. Ayon pa sa report bukod sa napipinsala ang semilya, malaki rin daw ang pagkakataon ng magkaroon ng brain cancer ang magiging anak.

AMERICAN JOURNAL OF EPIDEMIOLOGISTS

AYON

DAHILAN

DR. CONCORDIA M

DR. PASCUAL

MAKUKUHA

MARAMING

OB-GYNE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with