Nagkalat ngayon sa mga e-mails at text messages ang mga paninirang ito kung saan nakasulat ang pangalan ng de-latang sardinas.
Sa ipinalabas naming segment sa BITAG wala kaming binabanggit o ipinakita man lamang na pangalan ng de-latang sardinas.
Obserbasyon ng BITAG, nagagamit ang segment sa BITAG upang masiraan ang kompanya ng sardinas ng kalaban nitong kompanyang gumagawa ng de-latang sardinas.
Nais lamang linawin ng BITAG na hindi namin estilong manira ng anumang klaseng produkto. Tanging layunin ng BITAG na ilantad ang katotohanan sa likod ng tunay na pangyayari.
Subalit sa imbestigasyong ginawa ng BITAG sa sardinas na may ulo ng daga hindi inilabas ang naturang brand ng de-latang sardinas.
Alam ng BITAG na may tamang proseso kung ano ang gagawin kapag nakakita ng mga foreign material katulad ng ulo ng daga at kung anong ahensiya ang dapat puntahan.
Hindi estilo ng BITAG na magpagamit sa anumang uri ng negosyo upang gamitin ang ginawang imbestigasyon ng BITAG para siraan ang kanilang kakumpetensiya.
Kaya pinaaalam ng BITAG sa publiko na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon na BITAG ang naglabas ng pangalan ng brand ng de-latang sardinas na nakitaan ng ulo ng daga.
Babala ng BITAG sa mga kompanyang ginagamit ang BITAG huwag nyong gamitin ang BITAG sa inyong paninira dahil hindi namin estilong makapagpalabas lang para may istorya.
Hindi katulad ang BITAG ng ibang program sa telebisyon na ang hangad ay mataas na rating. Sa BITAG bawat segment na ginagawa ay pinag-aaralang mabuti at tinututukan.