^

PSN Opinyon

Paninira sa kompanya ng de-latang sardinas, kumalat!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NABABAHALA ang BITAG sa mga kumakalat na impormasyon kaugnay sa segment na ipinalabas ng BITAG tungkol sa sardinas na nakitaan ng ulo ng daga.

Nagkalat ngayon sa mga e-mails at text messages ang mga paninirang ito kung saan nakasulat ang pangalan ng de-latang sardinas.

Sa ipinalabas naming segment sa BITAG wala kaming binabanggit o ipinakita man lamang na pangalan ng de-latang sardinas.

Obserbasyon ng BITAG, nagagamit ang segment sa BITAG upang masiraan ang kompanya ng sardinas ng kalaban nitong kompanyang gumagawa ng de-latang sardinas.

Nais lamang linawin ng BITAG na hindi namin estilong manira ng anumang klaseng produkto. Tanging layunin ng BITAG na ilantad ang katotohanan sa likod ng tunay na pangyayari.

Subalit sa imbestigasyong ginawa ng BITAG sa sardinas na may ulo ng daga hindi inilabas ang naturang brand ng de-latang sardinas.

Alam ng BITAG na may tamang proseso kung ano ang gagawin kapag nakakita ng mga foreign material katulad ng ulo ng daga at kung anong ahensiya ang dapat puntahan.

Hindi estilo ng BITAG na magpagamit sa anumang uri ng negosyo upang gamitin ang ginawang imbestigasyon ng BITAG para siraan ang kanilang kakumpetensiya.

Kaya pinaaalam ng BITAG sa publiko na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon na BITAG ang naglabas ng pangalan ng brand ng de-latang sardinas na nakitaan ng ulo ng daga.

Babala ng BITAG sa mga kompanyang ginagamit ang BITAG huwag n’yong gamitin ang BITAG sa inyong paninira dahil hindi namin estilong makapagpalabas lang para may istorya.

Hindi katulad ang BITAG ng ibang program sa telebisyon na ang hangad ay mataas na rating. Sa BITAG bawat segment na ginagawa ay pinag-aaralang mabuti at tinututukan.

vuukle comment

ALAM

BABALA

BITAG

KAYA

LATANG

NAGKALAT

OBSERBASYON

SARDINAS

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with