EDITORYAL Ipasa na ang batas laban sa oil pollution
September 25, 2006 | 12:00am
KUNG mayroong pagmamahal sa likas na yaman at sa kanilang kapwa ang mga Senador, isang magandang magagawa nila ay ipasa na ang batas laban sa oil pollution. Kung nais nilang maprotektahan ang mga likas na yaman sa karagatan at ang kanilang kapwa, umaksiyon na sila ngayong sariwa pa ang sugat na nilikha ng oil spill sa Guimaras.
Nagkakasunud-sunod na ang insidente ng pagkatapon ng langis at ngayon lamang lubusang nabibigyan ng pamahalaan. Kung hindi pa nagkaroon ng oil spill sa Guimaras ay hindi pa sila kikilos.
Malaking pinsala sa kabuhayan at sa yamang dagat ang dulot nang natapong langis. Ang oil spill sa Guimaras na nagdulot ng hirap sa may apat na barangay doon. Walang makain ang mga residente sapagkat ang dagat na pinagkukunan nila ng ikinabubuhay ay naging itim. Humihingi ng tulong ang mga apektado para hindi naman sila magutom.
Lumubog ang M/T Solar 1 noong August 11, 2006 at natapon ang bilyong litro ng bunker oil. Kapabayaan ng kapitan ng Solar 1 ang nakitang dahilan. Sa imbestigasyon, lumabas na overloaded ang tanker, pero sabi naman ng Petron, hindi sila overloaded. Ganoon man, tutulong ang Petron sa paglilinis sa natapong langis.
Noong isang linggo, isa ring oil spill ang nangyari sa karagatan ng Marinduque. Bagamat hindi kasinglubha ng nangyari sa Guimaras, naalarma rin ang mga taga-Marinduque na baka maapektuhan ang kanilang kabuhayan at kalusugan.
Ang nangyari sa Guimaras ay nakagising sa diwa ng mga namumuno at naghihigpit na sa mga barkong may kargang hazardous chemicals. Matinding inspections ng Coast Guard ang gagawin bago makapaglayag ang barkong may kargang langis o kemikal.
Malakas na rin ang sigaw ng mga congressmen na ipasa na ng Senado ang anti-oil pollution bill. Sabi ng mga mambabatas panahon na para maipasa ang panukalang batas para maobliga ang mga may-ari ng barko na magbayad sa malilikhang pinsala ng oil spill. Lahat nang pagkasirang mangyayari ay sila ang mananagot.
Ang panukalang batas na ito kung maipapasa ay malaki ang maitutulong para maobliga ang mga may-ari ng barko na sila ang sumagot sa gastusin. Kung may batas, hindi na magtuturuan kung sino ang gagastos sa paglilinis sa karagatan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest