^

PSN Opinyon

Gobyerno dapat gumising sa Guimaras

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGPAPASALAMAT ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Gladwin Manabat, ng Toyota San Fernando dahil very accommodating ito, mabait, makatao at magalang. Sana ganito ang mga taga-Toyota katulad ni Gladwin! Keep up the good work Gladwin.

Ang isyu, huwag na sanang hintayin pa ng gobyerno na may mangyaring masama sa madlang people sa Guimaras Island na affected ng oil spill. Ika nga, sana huwag silang magkasakit.

Mabantot at masama sa kalusugan ang amoy na dulot ng langis na tumagas sa lumubog na MT Solar I kaya naman ang mga bata sa Barangay Tando ay sumisigaw ng saklolo sa mga kuwago ng ORA MISMO nang magpunta sa kanilang lugar para mag-observe ng kaganapan todits.

Hindi biro ang nangyari sa Barangay Tando dahil ito ay isa sa hardest hit ng oil spill kaya ang paligid ng karagatan todits ay saksakan nang baho at siyempre maitim ang karagatan.

Ang buhangin ay nahaluan ng langis ang mga mangroves ay kulay itim na rin at ang shoreline rocks ay parang ebak ng kalabaw ang kulay. May tulong na ibinibigay ang gobyerno todits from Petron pero hanggang kailan ito mangyayari.

Kung makikita lamang ng madlang people sa kapuluan ang nangyari sa Barangay Tando baka mapa-Hesus sila. Ang mga students sa nasabing lugar ay inilipat sa simbahan para maiwasan ang umaalingasaw na amoy.

Sana huwag maapektuhan ang inuming tubig ng mga taga-rito. Sabi nga, please Lord!

Ang simoy ng hangin sa karagatan ng Barangay Tando ay masama pero ang gobyerno ay hindi naman natutulog sa problemang tinatamasa ng mga masa todits. Ika nga, sayang din ang boto nila.

‘‘Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang problema sa Barangay Tando at iba pang barangay na tinamaan ng delubyo sa Guimaras ay tatagal pa ng 10 hanggang 20 years,’’ anang kuwagong mangkukulam.

‘‘May solution para sa taga-Barangay Tando ang gobyerno lang ang magdedesisyon.’’

‘‘Ano iyon?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ang JAS COAT powder na dala ng mga Japanese national ang solution sa Barangay Tando."

‘‘Nasa DOST na ang pulbos at inieksamin ngayon.’’

‘‘Tiyak ngayong buwan lalabas ang resulta ng JAS COAT powder na environmentally at health friendly.’’

‘‘Sana bigyan ng prioridad ng gobyerno ito para naman bumalik sa normal ang pamumu-hay ng madlang people sa mga barangay na affected ng oil spill.’’

‘‘Dapat kamote.’’

BARANGAY

BARANGAY TANDO

GLADWIN MANABAT

GUIMARAS ISLAND

IKA

SANA

SOLAR I

TANDO

TOYOTA SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with