Malamig na bangkay
September 22, 2006 | 12:00am
MARAMING katanungan ang nagsusulputan sa istoryang ilalahad namin sa araw na ito. Sa unang tingin, gustong palabasin ng imbestigador at ng mga taong maaaring may kinalaman na ito ay simpleng insidente na naaksidente. Nadulas, nabagok o nahulog.
Ganito ba ang nangyari o may mas malalim na dahilan kaya namatay ang biktima. Ito ang gumugulo sa isipan ni Rosalie Simoy ng Baguio City nang matagpuan na lamang niya na kasing lamig ng klima sa Baguio ang katawan ng kanyang asawa.
Dalawang taon ng nagtatrabaho ang biktimang si Reynaldo Simoy sa isang Korean restaurant sa Baguio. Sa restaurant na ito ay nakaaway nito si Jethro Tayabe na isa ring pinaghihinalaang responsable sa kasong ito. Magkasama sa trabaho at magkapitbahay pa sina Reynaldo at Jethro.
Isang buwan bago maganap ang insidente, nagkasagutan sina Reynaldo at Jethro dahil sa mga customer. Nag-uunahan daw ang dalawa sa pagsisilbi sa mga customer hanggang sa maitulak ni Jethro si Reynaldo, ayon kay Rosalie.
"Nagkaroon ng konting gulo sa loob ng restaurant nang itulak ni Jethro ang asawa ko dahilan para mapahiga ito," sabi ni Rosalie.
Pasado alas-11 ng gabi nang dumating ng bahay si Reynaldo nong araw na magkaroon ng gulo sa pinagtatrabahuhan nito. Nakainom ito at ikinuwento nito sa kanyang asawa ang nangyari sa kanila ni Jethro. Ipinaalam din nito kay Rosalie na maaari siyang masuspinde.
Samantala ilang sandali pa lamang nang kumatok sa kanilang pintuan si Jethro. Hinanap nito si Reynaldo at sinabi rin kay Rosalie ang kaguluhang naganap.
"Hinahabol daw niya si Reynaldo dahil nag-aalala siyang baka mahulog daw ito sa pag-uwi. Nakainom nga kasi noon ang asawa ko. Pagkatapos ay nag-usap na ang dalawa," kuwento ni Rosalie.
Ayon kay Rosalie, nakasugatan din ng kanyang asawa ang may-ari ng bahay na inuupahan nila. Minsan ay naaantala ang pagbabayad nila sa renta dahilan para hindi sila kausapin ng may-ari. May pagkakataon din naman biglaan daw sila sisingilin sa kuryente at maling kuwenta sa pagbabayad naman ng tubig.
Nagdesisyon ang mag-asawa na lumipat na lamang ng panibagong matitirahan dahil na rin sa hindi pagkakaunawaan nila ng may-ari ng bahay. Kinausap nila ito upang maging maayos naman ang paghihiwalay nila.
Alas-11 hanggang alas-11:30 ng gabi kadalasan nakakauwi ng bahay mula sa pinagtatrabahuhan si Reynaldo subalit nakatalugan na ni Rosalie ay hindi pa rin dumadating ang kanyang asawa. Inisip na lamang daw niya na baka nagkayayaan sa kanilang trabaho pero hindi niya maalis ang pag-aalala dito dahil gabihin lamang ng pag-uwi si Reynaldo ay hindi na siya mapakali. Ika-14 ng Agosto 2006 bandang alas-2:30 ng madaling araw naalimpungatan si Rosalie, wala pa ang kanyang asawa.
Malakas ang ulan at nagtatahulan pa ang mga aso sa labas ng kanilang bahay, ayon kay Rosalie. Natagpuan na lamang ni Rosalie ang kanyang asawa na nakahiga sa tapat ng kanilang inuupahang bahay sa # 185 Brookspoint, Aurora Hill, Baguio City.
"Binuksan ko ang pinto para silipin ang nagtatahulang aso. Nakita ko ang isang lalaki na noon ay nakahiga. Noong unay hindi ko agad nakilala na si Reynaldo na pala yon. Nakilala ko lamang dahil na rin sa jacket nito," salaysay ni Rosalie.
Agad namang pinuntahan ni Rosalie ang asawa na noon ay inakala niyang nakatulog lamang doon dahil sa nakainom ito. Nagulat siya nang makitang duguan at maraming sugat ang kanyang asawa.
Sumigaw si Rosalie upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Lumabas naman daw noon sina Jethro at ang kapatid nitong si Jerome Tayabe. Humihinga pa naman noon ang biktima subalit wala na itong malay.
Pumasok ng bahay si Rosalie upang magpalit ng damit at kumuha na rin ng pera para madala agad sa ospital ang asawa. Pagbalik daw niya wala na ang kanyang asawa at ang magkapatid na Jethro at Jerome.
"Nagsisisigaw ako uli at tinatawag ko ang mga pangalan ng magkapatid. Lumabas naman sila at sinabing nagbihis lamang sila," pahayag ni Rosalie.
Binuhat naman ng magkapatid ang biktima. Si Jethro naman ay nagpaalam na kukuha lamang na masasakyan subalit pagbalik nito may mga pulis ng kasama. Agad namang dinala sa Baguio General Hospital ang biktima subalit dead on arrival na ito.
Base na rin sa autopsy report na isinagawa ni Benjamin Marcial Bautista, Rural Health Physician ng Dagupan City na maraming sugat sa katawan ang biktima at ang sanhi ng ikinamatay nito ay ang pagkabasag ng bungo nito.
"Napansin ko ang mga sugat niya sa katawan kaya hindi ko kayang paniwalaan na basta na lamang siya nahulog sa hagdanan at maaari ring may taong nanakit sa asawa ko," pahayag ni Rosalie.
Nagkaroon ng pagkakataon ang aming programang HUSTISYA PARA SA LAHAT ang imbestigador ng kasong ito, si PO3 Telliano Manis. Sinabi nitong ginawa naman nila ang kanilang magagawa para sa kasong ito. Inimbestigahan nito ang nangyaring insidente at inimbitahan din si Jethro para sa ilang katanungan hinggil sa insidenteng ito.Inamin niyang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng biktima.
Nangako din naman ang hepe ng Precinct 6 ng Aurora Hill, Baguio City Police Station, si P/Insp. Manuel Baleleng na tutulong sila sa pamilya ng biktima.
Para sa anumang impormasyon na makakapagbigay alam sa kinaroroonan ng suspek, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Bukas abangan ang ibat ibang isyung tatalakayin sa aming programang HUSTISYA PARA SA LAHAT Sabado espesyal sa pangunguna ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez at ng inyong lingkod mula alas-7 hanggang alas-8 ng umaga sa DWIZ am band.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended