Kasi kapag nagpatuloy ang pangongolekta ni Aguas, magkaroon ng haka-haka na wala ring gagawin si Gen. Cachuela sa PRO4-B kundi ganun din, di ba mga suki? Parang sakit kasi yan na kapag may dumarating na sa bulsa, eh ang gusto mo wala na itong katapusan. At imbes na matuwa, baka ma-itsa puwera pa ng mga pulitiko si Gen. Cachuela sa PRO4-B dahil baka maging pugad ng pasugalan, putahan at beerhouse ang lugar nila. May bahid ng katotohanan, di ba mga suki?
Hindi lang DRDO ang kinokolekta ni Aguas kundi may iba pang unit ng pulisya tulad ng Regional Anti-Illegal Gambling (RAIG) na si Gen. Cachuela rin ang binabanggit niya. Mayroon ding DISOD ng CIDG at ang binuwag ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon na Special Operations Task Force o SOTF. At isama ko na sa listahan ni Aguas ang R-Sec. Aba pati ba naman sekretarya ng NCRPO may orbit din? Ano na ba ang nangyayari sa PNP? Saan diyan ang transformation plan na ipinagmamalaki ni Calderon? Baka naman ang intindi ni Aguas ng transformation plan ng PNP ay paigtingin pa ang koleksyon ng lingguhang intelihensiya? He-he-he! Dapat ipa-schooling muna si Aguas o Hawk para lumawak ang kaalaman niya ng mandatos ng PNP. Puwede na siyang ipadala sa Subic, Dir. Reynaldo Varilla Sir.
Kung sabagay, hindi lang si Aguas ang kinamumuhian ng mga may illegal sa SPD area kundi maging itong mga taga-RSAU tulad nina Noel de Castro, Richard Flaviano, Armando Aligada, mga alyas Cervantes, at Taacon at Balde Valderama na ang lakad ay hulidap. Iginigiit ng taga-RSAU na wala naman daw order si Varilla kay Supt. Villanueva, ang hepe nila, na huminto na sila sa pagpangolekta ng lingguhang intelihensiya. Imbes kasi na mga kriminal o terorista ang habulin ng RSAU, ang fighting unit ng NCRPO, eh pagkakitaan ang laman ng utak nila. Kaya basahin nyo ang diyaryo mga suki at panay RSAU ang bida sa mga katiwalian dito sa Metro Manila. Dapat linisin ni Varilla itong hanay ng RSAU dahil hulidap o baka-sakali ang lakad nila at ang pangalan niya ang nagigisa. Abangan!