Dalagita sa isang KTV bar sa Batangas, ni-rescue ng BITAG!
September 22, 2006 | 12:00am
MARAMI nang menor-de-edad ang na-rescue ng BITAG sa ibat ibang lugar.
Kabilang diyan ang mga sanggol na kinukuha at ina-abduct, mga pasaway na anak na sumasama sa kanilang mga kasintahan sa murang edad.
Pero ang masakit isipin, may mga kasong hinahawakan ang BITAG na ang mga biktima ay mga menor-de-edad sa biktima ng mga sindikato ng human trafficking.
At ang ilan ay sa mga Cybersex den na nagkalat ngayon sa bansa.
Malaki ang naibibigay na tulong ng Department of Social Welfare and Development dahil kung ayaw sumama ng mga pasaway na anak, sa kanilang tanggapan ito dinadala. Sila ang mga kalimitang nakakasama ng BITAG pagdating sa mga ganitong klase ng pagrescue.
Katulad na lamang ng isang kaso na inilapit noong Lunes sa BITAG action center ng isang ama. Kasama ng ama ang dalawang pulis ng Urdaneta Pangasinan.
Ayon sa ama ng 17 anyos na babae, tumakas daw ito at piniling magtrabaho sa isang KTV bar bilang waitress sa San Pascual, Batangas.
Agad kumilos pronto ang BITAG at tinungo ang San Pascual, Batangas para mai-rescue ang nasabing dalaga.
Pagdating sa site, nakipag-ugnayan ang grupo ng BITAG at pulis ng Pangasinan sa lokal police ng Batangas gayun din sa DSWD.
At nang tinungo ang nasabing KTV bar, nakapagtatakang sarado na ito dahil wala pang madaling-araw. Dinahilan ng mga ito na walang customer. Pero hindi pinanganak kahapon ang BITAG. Alam namin na may tumimbreng Hudas.
Tinangka pang itakas ng mga may-ari ang sinasabing menor-de-edad subalit hindi ito umubra sa BITAG.
Kahit labag pa sa kagustuhan ng menor-de-edad ay pilit na ipinasama ito sa kanyang magulang pabalik ng Urdaneta, Pangasinan.
Hindi estilo ng BITAG na makialam sa problemang personal subalit kapag kalagayan ng menor-de-edad ang nakasalalay hindi magdadalawang-isip ang BITAG na panghimasukan ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended